internasyonal
in·ter·nas·yo·nál
pnr |[ Esp internacional ]
1:
kinasasangkutan ng dalawa o higit pang bansa o ng mga mamamayan nitó : INTERNATIONAL,
PANDAIGDÍG2
2:
napagkasunduan o ginagamit ng marami o lahat ng bansa : INTERNATIONAL,
PANDAIGDÍG2
3:
lumalagpas sa mga pambansang limitasyon o pananaw : INTERNATIONAL,
PANDAIGDÍG2
in·ter·nas·yo·na·lís·mo
png |[ Esp internacionalismo ]
:
pagtataguyod ng pangkalahatang interes ng mga bansa : INTERNATIONALISM