set ng mga simbolong ponetiko na inilaan sa internasyonal na gámit, binuo noong ika-19 siglo upang magkaroon ng eksakto at nauunawaang tumbásan sa tunog at simbolo sa isang wika
organisasyong internas-yonal na nagtataguyod ng matatag na pananalapi ng lahat ng bansa at nangangasiwa sa tinipong pondo na ipinahihiram sa mga kasaping bansa upang mapunan ang kakula-ngan sa kanilang mga bayarin
ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat
itinatag ng UN General Assembly noong 1966, isa itong nagsasariling sangay sa loob ng UN at may misyong pabilisin ang industriyalisasyon ng mga umuunlad na bansa
sangay ng UN na itinatag noong 1946 upang palaganapin ang pagtutulungan ng mga bansa sa mga larang ng edukasyon, agham, kultura, at komunikasyon. May punòng himpilan ito sa Paris at may 190 kasaping bansa noong 2004