ipag-


i·pág-

pnl
1:
batay sa unlaping i- kasáma ang pag-, binago mula sa mga pandiwang mag- na nangangailangan ng di-tuwirang layon, hal “Ipagbili mo ang kotse ni Pedro.”
2:
batay sa unlaping i- kasáma ang pag-, binago mula sa mga pandiwang mag-, at ginagamit ang tuwirang layon bílang simuno hal “Ipagbili ang puto.” sa halip na “Magbili ng puto.”
3:
batay sa unlaping i-, binago mula sa pangngalang pag- at nagpapaha-yag ng matinding kilos, hal “Ipaglaban ang kalayaan.”
4:
batay sa unlaping i- at may kalakip na hulaping –an, binago mula sa mag- + -an, hal “Ipinagsigawan ng mga welgista ang kanilang tutol.”

í·pag

png |[ Bik Ilk Kap Mag Mrw ]
:
varyant ng hípag.

I·pá·gi

png |Ant

i·pag·ká-

pnl
:
unlaping binago mula magka-, nagpapahayag ng pagkakaroon ng pag-aari, hal “Ipagkakakotse natin ang panalo sa lotto.”

i·pag·káng-

pnl
:
unlaping binago mula magkang- kasáma ng isang salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig at may anyo ng pandiwang nása pokus kawsatibo, hal “Ipinagkanggagalit ni meyor ang nangyari.”

i·pag·pá-

pnl
1:
unlaping binago mula magpa- at ginagamit na simuno ang di-tuwirang layon, hal “Ipagpagawâ ng bahay ang bagong kasal.”
2:
unlapi para sa mga pandiwang may pokus na instrumental, binago mula magpa- ngunit ginagamit na simuno ang bagay na ginamit sa aksiyon ng pandiwa, hal “Ipinagpagawâ niya ng bahay ang napanalunan sa lotto.”