salitâng nagpapahiwatig ng pagkamay-ari at kumakatawan sa pangalan ng táong kinakausap; an-yong páhulí ng iyo
i
:
hakang square root ng minus one
i-
:
pokus na instrumental, hal isulat, itanglaw pagganap ng kilos na isinasaad ng salitâng-ugat, hal iihaw, isuot p pokus na tagatang-gap, hal ibilí, igawâ
nagpapahayag ng kaganapan kapag kasunod ng isang pangngalan, hal Bagsak na; Abogado na siya
2:
nagpapahayag ng paglilipat o pagba-bago ng pagganap ng isang gawain kapag sumusunod sa panghalip pa-nao, hal Ako na; Ikaw na; Siya na
na
1:
nagpapahayag ng kaganapan kapag sumusunod sa isang pandiwa, hal tapos na; yarì na
2:
nagpapahayag ng kaganapan ng aksiyon kapag ka-sunod ng isang pandiwang nása panahunang pangnagdaan, hal natulog na; bumilí na
3:
nagpapahayag ng kagyat o mabilisang pagkilos kapag sumusunod sa anyong pawatas at panahunang panghinaharap ng pandiwa, hal Pumasok na táyo; Ipinabi-bili ko na ang gamot
I, i
1:
ikasiyam na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ay
2:
isa sa limang patinig ng alpabetong Filipino
3:
ikasiyam sa isang serye o pangkat
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng I o i
5:
tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik I o i
‘i•ká mo
:
pinaikling “wika mo.”
Man•ta•kín mo!
:
Isipin mo!
I Ching (it•síng)
:
sinaunang manwal ng mga Tsino na gumagamit ng mga simbolo na tinatawag na walong trigram at animnapu’t apat na hexagram, at nagpapakahulugan ng mga prinsipyo ng yin at yang
‘ta n’yo
:
pinaikling “nakíta ninyo.”
Tá•yo ná!
:
pahayag ng pagyayà sa kasáma para sumulong o umalis, madamdamin kung may halòng inip o yamot
‘ká mo
:
pinaikling “wika mo.”
ba•gá•wak na pu•tî
:
mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare), kulay lila ang tangkay at may pumpon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola at 4 m ang taas.
ma•ta•ás na ka•pu•lu•ngán
:
isa sa kapulungan ng batasang bikameral, karaniwang binubuo ng mga pam-bansang kinatawan
pang•ha•líp na di-tiyák
:
panghalip na hindi tuwirang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari, at iba pa sa partikular, hal sinuman, anuman, alinman, saanman
borda-dong telang isinusuot sa ulo ng mga lalaki, o kalimitang ginagamit ng mga babae bílang alampay
Ba•nál na Es•pi•ri•tú
:
sa Kristiyanismo, ang ikatlong persona sa Trinidad at sinasagisag ng kalapati
pá•saw na ha•páy
:
haláman na tuwid, masanga, at makinis ang tangkay, lungti o lila ang dahon, at may bulaklak na apat ang talulot.
pa•ngat•níg na pa•mu•kód
:
uri ng pangatnig na ginagamit kung sa dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay ibig itangi sa iba; may anyong patanggi o pasalungat, halNi ako ay di niya naaalala, ikaw pa kaya?
it•lóg na ma•á•lat
:
itlog ng itik na nilaga at ibina-bad sa tubig na may asin, karani-wang kinukulayan ng pulá ang balát para maiba sa ibang itlog ng manok kayâ tinatawag ding itlog na pulá
pa•ngu•ngú•sap na pa•ta•nóng
:
uri ng pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa
pa•ngat•níg na pa•na•lu•ngát
:
uri ng pangatnig na ginagamit sa tambalang pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa, halGusto ko sanang makarating sa inyo, ngunit wala akong makasáma.
pa•ngu•ngú•sap na pa•dam•dám
:
uri ng pangungusap o pahayag na madamdamin, gaya ng pagkabigla, pagkatakot, pagkagalit, at iba pa
tra•dis•yo•nál na po•lí•ti•kó
:
lumang uri ng politiko, karaniwang ipinalalagay na korap
Ma•hál na Á•raw
:
isang linggo ng paggunita sa mga hulíng araw ni Hesus hanggang Linggo ng Pagka-búhay
ma•ta•ás na pa•a•ra•lán
:
antas ng edukas-yon na kasunod ng mababang paaralan at sinusundan ng kolehi-yo
Sa a•bâ mo!
:
Kaawaan ka!
ló•oy-ló•oy na da•kô
:
uri ng dapò (Grammatophyllum scriptum) na may malalaki at maugat na tangkay, malaki ang bulaklak na kulay mapusyaw na lungtian o dilaw, katutubò sa Filipinas, bukod sa G. scriptum, isa pang katutubong espesye sa Filipinas ang G. speciossum na tinaguriang “Reyna ng Orkidya ng Filipinas” dahil isa sa pinakamalaking orkidya na may tíla garing na putîng bulaklak.
A•bá mo nga•ní!
:
Ay, kawawa ka naman!
pa•ngat•níg na pa•nu•ba•lì
:
uri ng pangatnig na ginagamit sa pagkukurong pasumala, mga isipang may pasubali at mga pangungusap na pasakali o hindi ganap at nangangailangan ng tulong ng kapuwa pangungusap upang mabuo at makaganap sa kapararakan, halKung hindi ka sasáma, hindi kami tutuloy.
pa•ngu•ngú•sap na pa•tu•ról
:
pa-ngungusap na nása anyo ng isang payak na pahayag; pangungusap na nagpapakilála o nagpapahiwatig