junk (jangk) 1: anumang bagay na wala nang halaga o silbi 2: bangâ 3: narkotikong gamot 4: ginupit na lumang kable o lubid 5: matigas na inasnang karne 6: hugpong ng mga mahimaymay na tissue sa ulo ng butanding at nagtataglay ng mga spermaceti 7: malakíng sasakyang-dagat ng mga Tsino na sapad ang ilalim
food chain (fúd tseyn) 1: pagkakasunod-sunod ng mga organismo, nagmumula sa kasunod ang pagkain ng bawat isa 2: serye ng restoran o tindahan ng pagkain na pag-aari ng iisang tao o kompanya
fast food (fást fud) 1: mga pagkain na madalîng naihahanda o naisisilbi, karaniwan sa isang restoran 2: restoran na nagsisilbi ng ganitong pagkain
finger food (fíng•ger fud) : pagkain na hindi ginagamitan ng kutsara at tenedor; pagkain na maaaring kamayin
whole food (howl fud) : pagkaing may likás na sangkap, maaaring kainin nang hindi nilutò, at hindi nagtataglay ng preserbatibo