ka-
- 1:
- pambuo ng pangngalan at nangangahulugang kapuwa o kasá-ma sa isang gawain, hal kakláse, katrabáho
- 2:
- pambuo ng pangnga-lan at nagpapahayag ng relasyon o pagkakasapi, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kababatà, kababáyan
- 3:
- pambuo ng pangngalan at nagpapahiwatig ng kaisipang pagpapatúloy sa mabuting samahán, na may pag-uulit sa salitâng-ugat, hal kalaró-larô, kasáma-sáma
- 4:
- pambuo ng bagong pang-ngalan mula sa pang-uring salitâng-ugat upang idiin ang pag-aari, katangi-an, o pagiging abstrakto, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal kahirápan, kadakilàan
- 5:
- pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng resiprosidad, pagkakasabay ng kilos, o kolektibong samahán, at karani-wang dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal káliwàan, kátuwàan