kadena


ka·dé·na

png |[ Esp cadena ]
1:
tanikala1 — pnd i·ka·dé·na, ka·de·ná·han, mag·ka·dé·na
2:
Bat mahigit sam-pung taóng pagkabilanggo.

ka·dé·na de a·mór

png |Bot |[ Esp cadena de amor ]
:
baging (Antigonon leptopus ) na may malakíng habilog na dahon at may ukit ang mga gilid, may mga bulaklak na nakapumpon sa bawat tangkay, kulay mapusyaw hanggang matingkad na pink, katutubò sa Mexico at malaganap ngayon sa buong Filipinas, may mga variety na inaalagaan sa hardin at may mga bulaklak na kulay putî hanggang pink : coral vine

ka·dé·na-per·pét·wa

png |Bat |[ Esp cadena perpetua ]
:
habambuhay na pagkabilanggo.