kagit
ka·gít
png |[ ST ]
1:
Zoo
uri ng loro (genus Prioniturus ), malimit na lungti ang balahibo ngunit may kapansin-pansing isang pares ng itim at tíla raketang buntot : racquet-tail Cf kílit,
manáging
2:
maliit na patpat na inilalagay sa pluma para gawing tandâ.
ka·gi·tí·ngan
png |[ ka+gíting+an ]
1:
pagiging magiting
2:
katangian ng nagmamahal at nagtataguyod sa dangal ng pagkatao, naghahangad ng tagumpay at kadakilaan ng sariling komunidad o bayan, at nagsi-sikap para sa kagalingan at kabutihan ng kapuwa.
ka·git·nà·an
png |[ ST ka+gitna+an ]
:
sukat ng kalahating salop.