• ka•má
    png | [ ST ]
    1:
    pagdadagdag ng dalawang lubid na magkapilipit
    2:
    pagbasag, pagdurog, o pagpapapu-tok sa isang bagay sa pagitan ng mga kamay, katulad ng itlog, nuwés, at iba pa
    3:
    paghipo o pagkuha sa isang bagay gamit ang mga kamay
    4:
    pag-aalaga o pangangalaga
  • ká•ma
    png | [ Esp cama ]
    1:
    piraso ng muwebles na ginagamit na higáan, karaniwang may pahabâng balang-kas at sahig, may apat na paa, at sinasapinan ng banig o mátres
    2:
    sahig ng karitela o anumang sasakyan
    3:
    lipya ng araro
    4:
    parihabâng súkat ng lupa na karaniwang isang dangkal ang taas at pinagpupunlaan o tinataniman ng mga gulay, kabute, at iba pa
  • ka•má
    pnr
    :
    lápat na lápat
  • ka•mâ
    png
    1:
    [ST] pagkakaisa ng dalawa sa isang usapin, patúngo o laban sa ikatlo
    2:
    paghipo o paghawak nang hindi sinasadya sa anumang bagay
  • Ká•ma
    png | [ Hin San ]
    :
    diyosa ng seksuwal na pag-ibig na kinakata-wan ng isang dalaga
  • Ká•ma Sút•ra
    png | [ Ing San ]
    :
    sinau-nang kasulatan sa sining ng pag-ibig at pamamaraan sa sex