kang
kang
png
1:
tawag paggálang sa isang nakatatanda ngunit hindi kamag-anak : Kâ
2:
[TsiChi]
sa madyong, tumutukoy sa pagkokompleto ng apat na magkakaparehong karakter ng pitsa.
ka·ngá
png |[ ST ]
:
isang uri ng karo o kareta.
ká·ngan
png |[ ST ]
1:
balabal na kulay asul
2:
Kas noong panahon ng Español, piraso ng maligasgas na tela na ginagamit ng mga Muslim bílang salapi sa pakikipagpalitan ng kalakal.
kangaroo (káng·ga·rú)
png |Zoo |[ Ing ]
:
sa Australia, hayop (genus Macropus ) na marsupial, maliit ang ulo, malakí ang tainga, at mahabà ang binti at buntot ; kilalá dahil sa kilos na palundag-lundag at sa pagdadalá ng anak sa pamamagitan ng tíla lukbu-tan sa tiyan.
ká·ngay
png
1:
[ST]
paanyaya para sa isang pagdiriwang o kasalan
2:
[TsiChi]
pigíng
3:
[TsiChi]
pigíng sa kasalan.
kang·kág
png |[ Mag Tag ]
:
pagbuka, gaya ng pakpak var kangkáng Cf ladlád
kang·káng
png |[ Kap Tag ]
1:
iyak o ungol ng áso
2:
tulóy-tulóy na iyak ng sanggol
3:
tulóy-tulóy na satsat na may mataas na tono
4:
varyant ng kangkag.
kang·ka·rót
pnr
1:
sa trumpo, malikot at magaralgal na pag-ikot Cf yáno
2:
may katangiang katulad ng naturang pagkilos ng trumpo.
kang·kóng
png |Bot |[ Bik Iba Mrw Tag ]
:
haláman (Ipomea reptans aquatica ) na malabaging, tumutubò sa mga tu-bigán, at iginugulay ang talbos : balangeg1
kang·kóng-da·pò
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng halaman.
kang·kóng-ka·la·báw
png |Bot
:
yerba (Enhydra fluctuans ) na tíla mabuhok at malamán, padapa ang tubò, at nag-uugat sa ibabâng bahagi ng mga bukó.