• ka•pu•lu•ngán
    png | [ ka+pulong+an ]
    1:
    pagtitipon para magpulong
    2:
    pangkat o lawas na nagpupulong
  • ma•ba•bàng ka•pu•lu•ngán
    png | Pol | [ ma+babà+ng ka+pulong+an ]
    :
    isa sa kapulungan ng batasang bikame-ral, karaniwang binubuo ng mga kinatawan mula sa distritong lokal
  • ma•ta•ás na ka•pu•lu•ngán
    png | Pol | [ ma+taas na ka+púlong+an ]
    :
    isa sa kapulungan ng batasang bikameral, karaniwang binubuo ng mga pam-bansang kinatawan