katol


ka·tól

png
1:
nakapaikid na kulay lungtiang substance at may tíla in-sensong usok at amoy na pantaboy sa lamok
2:
[Seb War] katí1

ka·tó·li·kó

pnr |[ Esp católico ]
:
may malawak at unibersal na saklaw o pananaw : catholic

Ka·tó·li·kó

png |[ Esp Católico ]
1:
ang relihiyong Katoliko Romano : Catholic
2:
tao na may ganitong pananampalataya : Catholic
3:
lahat ng Kristiyano : Catholic
4:
kanluraning simbahan : Catholic

Ka·tó·li·kó Ro·má·no

png |[ Esp Cató-lico Romano ]
1:
pangunahing sangay ng Kristiyanismo sa pamumunò ng Papa : Roman Catholic
2:
simbahang nagtataguyod ng Katolisismo : Roman Catholic

Ka·to·li·sís·mo

png |[ Esp catolicismo ]
1:
pananampalataya at pamamara-an ng simbahang Katoliko Roma-no : Catholicism
2:
sa maliit na titik, pagiging malawak ang pag-iisip at unibersal ; kalidad ng pagiging katoliko : catholicism