mo•rá•dong pu•tî : mababàng palumpong (Graptophyllum pictum), nag-iiba-iba ang kulay ng mga dahon na may mga putîng marka sa gitna at pulá ang kulay ng bulaklak
hí•pong pu•tî : uri ng hipon (Penaeus indicus) na may habàng 14 sm at bigat na 35 gm, kulay abuhin, at karaniwang nalalambat sa baybayin
ba•gá•wak na pu•tî : mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare), kulay lila ang tangkay at may pumpon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola at 4 m ang taas.