koro


ko·ró

png |[ ST ]
:
isang uri ng laro ng mga batàng babae.

ko·rò

png |[ ST ]
:
isang dakot ng isang bagay.

kó·ro

png |[ Esp coro ]
1:
Mus regular na pangkat ng mang-aawit, lalo na sa simbahan : choir
2:
bahagi ng malakíng simbahan sa pagitan ng altar at ng panggitnang pasilyo : choir
3:
Mus pangkat ng mga instrumentong magkakapamilya na tinutugtog nang magkakasabay : choir
4:
Mus malakíng pangkat ng mang-aawit : choir, chorus

ko·ró·kom

png |Ana |[ Mrw ]

ko·ról

png |[ ST ]
:
gamit o kasang-kapang mapuról.

ko·ró·la

png |Bot |[ Esp corola ]
:
lipon ng mga talulot na bumubuo sa panloob na estruktura ng bulaklak : corolla

kó·ron

png |[ Bik ]

ko·ró·na

png |[ Esp corona ]
1:
putong na maraming adorno at karaniwang may mga hiyas : crown
2:
tuktok ng ulo : crown
3:
taluktok, gaya ng sa bundok : crown
4:
Bot bahagi ng haláman na nása ilalim ng lupa at bahagyang nakalitaw sa lupa.

Ko·ro·na·dál

png |Heg
:
kabesera ng South Cotabato.

ko·róna de-es·pí·na

png |Bot |[ Esp corona de-espina ]
:
tuwid na palum-pong (Euphorbia milii ), 1 m ang taas, madálang ang dahon, at may bulak-lak na may mahabàng tangkay, at kulay pulá ang pabilog na talulot, katutubò sa Madagascar.

kó·ro·ná·do

png |Zoo
:
uri ng manok na hugis korona ang palong.

ko·ro·nas·yón

png |[ Esp coronación ]
1:
seremonya ng pagpuputong ng korona sa pinunò, gaya ng reyna o hari : coronation
2:
seremonya ng pagpuputong ng korona sa musa ng pista o pagdiriwang : coronation

ko·ro·nél

png |Mil |[ Esp coronel ]
:
rang-go na higit na mataas kaysa tenyen-te koronel : colonel

ko·róng

png
1:
Bot [War ST] uri ng punongkahoy na may bungang pulá at nakakain
2:
[ST] gupit ng buhok noon na ang habà ay hanggang mga tainga lámang.

ko·ro·níl·ya

png |[ Esp coronilla ]
:
maliit na korona : koroníta

ko·ro·ní·ta

png |[ Esp coronita ]

ko·ro·ní·tas

png |Bot |[ Esp coronitas ]

ko·rót

png |[ Mrw ]
:
kulot na buhok.