kuwak


ku·wák

png |[ Ing quack ]
1:
magaralgal na iyak ng bibe, itik, o pato : quack1
2:
anumang katulad na tunog : quack1

ku·wá·kit

png |Zoo |[ Tag Seb ]
:
uri ng maliit na hipon (Metapenaeopsis palmensis ), ang pinakamahabà ay umaabot sa 10 sm at bigat na 6 gm, may katawang medyo mapuláng kayumanggi na may mga batik na maitim na kayumanggi, at nahuhúli nang maramihan sa dagat : southern velvet shrimp

ku·wák·nit

png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng paniki.

ku·wá·ko

png |[ Chi ]
:
kasangkapang silindriko na may tíla maliit na bao sa isang dulong sinisiksik sa tabako at ginagamit sa paghitit ng tabako Cf patupat1

kú·wa-kú·wa

png |Zoo

ku·wa-ku·wa·kú·han

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.