• La, (él ey)

    symbol | Kem | [ Ing ]

  • u•gát

    png | [ Bik Hil Seb Tag Tau ]
    1:
    bahagi ng katawan ng haláman na karaniwang tumutubò pailalim sa lupa at sumisipsip ng sustansiya at tubig
    2:
    anumang katulad nitó
    3:
    pinanggalingan o ang sanhi ng pinanggalingan ng isang bagay
    4:
    ang pangunahing sangkap o kalikásan ng isang bagay
    5:
    pinagmulang pamilya, lahi, o kultura lalo na bílang dahilan para sa malalim na ugnayan sa isang pook o komunidad
    6:
    alinman sa mga túbo na bahagi ng sistema sa pagdaloy ng dugo sa katawan

  • Mang

    png
    :
    nagsasaad ng paggálang at laging kasunod ang pangalan ng nakatatandang laláki hal Mang Tomas

  • la

    png
    1:
    tawag at bigkas sa titik L sa abakadang Tagalog
    2:
    ikaanim na nota sa eskala ng musika.

  • mang-

    pnl
    1:
    pambuo ng pandiwang nagsasaad ng kolektibo, propesyonal, o nakaugaliang kilos, hal mangga-mót, mangisdâ, mangagát
    2:
    pambuo ng pangngalan na nagsa-saad ng gawain, negosyo, o propes-yon at karaniwang inuulit ang unang pantig, hal mangangabayo, mangi-ngisda, manggagamot

  • La

    png
    :
    pinaikling tawag sa lola.

  • La!

    pdd
    1:
    sigaw kapag pinahihinto ang paglakad o pagtakbo ng kalabaw o báka
    2:
    pinaikling Hala!

  • La Gioconda (la dyo•kón•da)

    png | Sin | [ Ita ]
    :
    Mona Lisa.

  • La Tri•ni•dád

    png | Heg | [ Esp ]
    :
    kabesera ng Benguet.

  • La Carlota (la kar•ló•ta)

    png | Heg
    :
    lungsod sa Negros Occidental.

  • La Niña (la nín•ya)

    png | [ Esp ]
    :
    iregular at masalimuot na pagbabago ng klima na nagdudulot ng pagbuhos ng ulan.

  • La So•li•dá•ri•dád

    png | Kas Lit | [ Esp ]
    :
    opisyal na peryodiko ng Kilusang Propaganda na inilathala sa Espanya noong 15 Pebrero 1889 hanggang 15 Nobyembre 1895 at pinamatnugutan ni Graciano Lopez Jaena at pagkaraan ni Marcelo H. del Pilar

  • Shangri La (syáng•ri la)

    png | Mit | [ Ing ]
    :
    para sa mga taga-Tibet, isang uri ng paraiso

  • La Union (la un•yón)

    png | Heg
    :
    lalawigan sa hilagang kanluran ng Filipinas, Rehiyon I

  • la paz bát•soy

    png | [ Hil Esp la paz + Tag batsoy ]
    :
    pansit na may sabaw at nilagyan ng lamanloob ng baboy, dinurog na sitsaron, mga piraso ng gulay, at dinadagdagan ng hilaw na itlog

  • La Revolución Filipina (la re•bo•lus• yón fi•li•pí•na)

    png | Kas Lit | [ Esp ]
    :
    pagsusuri ni Apolinario Mabini sa mga sanhi ng pagsiklab at pagbagsak ng rebolusyong Filipino.

  • Ru•é•da de la For•tú•na

    png | [ Esp ]
    :
    Gulong ng Kapalaran, isang laro na gumagamit ng isang tablerong naku-kuhanan ng sagot sa anumang ma-isip itanong

  • ang•hél de la gu•wár•di•yá

    png | [ Esp ángel de la guardia ]
    1:
    anghel na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng isang tao, lalo upang makaiwas sa panganib o pagkakamali
    2:
    tao na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao

  • Hu•wán de la Krus

    png
    :
    Juan de la Cruz.

  • Cruz, Apolinario de la (kruz a•po•li• nár•yo de la)

    png | Kas
    :
    tagapagtatag at pinunò ng Cofradia de San Jose

  • flor de la mañana (flor de•lá man•yá•na)

    png | Bot | [ Esp ]

  • Juan de la Cruz (hu•wán de•la kruz)

    png | [ Esp ]
    :
    taguri sa karaniwang Filipino