lagundi
la·gun·dî
png |Bot
:
tuwid at masangang palumpong (Vitex negondo ) na tumataas nang 2-5 m, asul ang bulaklak, at bilog na itim ang bungang nakakain at itinatanim bílang halámang gamot at halámang ornamental : DÁNGLA2
la·gun·díng-dá·gat
png |Bot |[ lagundi+ng+dagat ]
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Vitex trifolia ), 10 m ang taas, tatlong pilas ang dahon, maliit at bilóg ang bunga, hitik kung mamulaklak na kulay mapusyaw na lila.