la•kás 1: kakayahan ng katawan upang makagawâ ng anuman 2: tindi ng bisà, gaya ng lakas ng suntok at lakas ng hangin 3: impluwensiyá1 4: tindi ng ingay o tunog 5: mataas na lagnat 6: sa sakít, ang tindi ng atake 7: paggalíng mula sa sakít.
tá•o 1: nilikha (genus Homo) na naiiba sa ibang hayop dahil sa ma-taas na antas ng kaisipan, kakaya-hang magsalita, at makatayô sa pamamagitan ng dalawang paa 2: tawag sa isa sa dalawang mukha ng baryá sa kara krus, kappô, at katulad na laro 3: bána.
Tao (taw) : metapisikong konseptong sentro sa pilosopiyang Tsino, ang ganap na prinsipyong batayan sa mundo, at pinagbuklod sa loob nitó ang prinsipyo ng Yin at Yang.