u•gát 1: bahagi ng katawan ng haláman na karaniwang tumutubò pailalim sa lupa at sumisipsip ng sustansiya at tubig 2: anumang katulad nitó 3: pinanggalingan o ang sanhi ng pinanggalingan ng isang bagay 4: ang pangunahing sangkap o kalikásan ng isang bagay 5: pinagmulang pamilya, lahi, o kultura lalo na bílang dahilan para sa malalim na ugnayan sa isang pook o komunidad 6: alinman sa mga túbo na bahagi ng sistema sa pagdaloy ng dugo sa katawan