lang
la·ngá
png
1:
[ST]
pagkain o pag-inom nang ipinapasok ang ulo sa sisidlan — pnd i·la·ngá,
lu·ma·ngá
2:
[ST]
pagkaligaw o pagkawala, gaya ng kalapating hindi makabalik sa pinanggalingan
3:
[Ifu]
pangkó
4:
Bot
[Iba]
lingá1
la·ngâ
png |Zoo
:
isdang-alat na kahugis ng malakapas ngunit higit na matigas ang kaliskis, lamán, at palikpik, humahabà nang 5 sm at 2.54 sm ang lápad.
la·nga·áng
pnr
:
maluwag o hindi maayos ang pagkakasalansan.
la·ngáb
pnr
:
nakabukás ; walang takip.
la·ngáb
png |[ ST ]
1:
pagsahod at pag-iipon ng tubig-ulan na dumadaloy sa alulod — pnd lu·mab·ngáb,
mag·lab·ngáb
2:
pagkakabit-kabit ng kahoy.
la·nga·ká·pan
png |[ Hil ]
:
kawayang papag na ginagamit sa paghahatid ng maysakít sa manggagamot o ng patay sa libingan.
lá·ngal
png |[ ST ]
1:
paglabas ng dáting nakatago o pagsisikap na maalala ang isang bagay na nalimot na
2:
malalim o nakalubog na mga mata.
la·ngá·la·ngá·a
png |Bot
:
yerba na inihahalò sa pagkain ng mga áso upang higit itong tumapang.
la·ngán
png
:
pagtuturò o pagsasánay sa mga hayop o batà — pnd mag·la·ngán,
i·la·ngán,
la·nga·nín.
la·ngán
pnr
:
láyaw2-3 ; ukol sa kalayaan.
lá·ngan
png
:
pag-iingat sa paggamit na anumang ari-arian — pnd i·lá·ngan,
mag·lá·ngan.
la·nga·ngán
png
:
tagdan ng sibat.
láng-ap
png
:
paglagok o pag-inom nang mabilis.
la·ngá·ray
png |Zoo
:
isdang-alat (family Ambassidae ) na walang kaliskis at maliit.
la·ngá·ray-pa·kô
png |Zoo
la·ngás
pnr |[ Seb ]
:
mapang-abála ; nakayayamot — pnd la·nga·sán,
mag·la·ngás.
la·ngát
pnr
:
manipis at naaaninag.
lá·ngat
png |[ ST ]
1:
bagay na manipis, tulad ng sombrero
2:
paglikha ng pingas o mga tanda sa kawayan o kahoy.
lá·ngaw
png |Zoo |[ Bik Hil Iba Mag Mrw Seb Tag War ]
la·nga·wán
png |Zoo
:
tandang na may balahibong itim at batík na putî.
la·nga·wén
png |Zoo |[ Ilk ]
:
uri ng tandang na may pulá at putîng balahibo.
la·ngáy
png |[ ST ]
:
pagpútol o pagbali sa sanga ng punongkahoy, sa dahon ng saging, at palmera — pnd la·nga·yín,
man·la·ngáy.
la·ngáy-la·ngá·yan
png |Zoo
:
maliit na ibon (family Hirundinidae genus Hirundo ) na migratoryo, may maikling tukâ, mahabàng buntot, at maliliit na paa : GOLONDRÍNA1,
SÁLANG3,
SÍBAD-SÍBAD,
SWALLOW Cf SARÁNG-LÚMOT
lang·bá
png |Bot |[ ST ]
:
paglago ng mga punongkahoy o mga halaman.
lang·gâ
png
1:
pagtungga ng tubâ o alak sa tása o baso
2:
unti-unting paglagok, karaniwan ng mataas na uri ng alak — pnd i·pa·lang·gâ,
lang·ga·ín,
lu·mang·gâ.
láng·ga
png |[ Ara ]
:
parihabâng pook dalanginan ng mga Muslim.
láng·gal
png |[ Mrw Tau ]
:
sa mga Muslim, pook na sambahan at higit na maliit sa masjid.
lang·gám
png |Zoo
láng·gang
png
:
pagtuturò nang may halimbawa — pnd i·láng·gang,
lang·gá·ngan,
mag·láng·gang.
láng·gang
pnr
:
tinuruan, sinanay, o iminulat sa isang uri ng gawâ o asal.
lang·gás
png |Med
:
lang·gít
png |[ ST ]
:
pagpanday sa rehas na bakal mula sa makapal na punò at papanipis hanggang dulo.
lang·gók
png
1:
Zoo
balbas ng kambing
2:
pagkuha o pagbúnot ng anuman sa pamamagitan ng lakas at bilis.
lang·gó·tse
png |[ Tsi Ilk Tag ]
:
uri ng matibay na himaymay, karaniwang ginagamit sa sako.
lang·gu·wáy
png |[ Tsi ]
:
sisidlan ng mga gamit sa pagngangangà var langwáy
lang·hál
png
1:
pagdadamit sa batà ng kasuotang pangmatanda
2:
[ST]
pagtawag ng pansin sa anumang hindi kailangan o hindi wasto.
lang·háp
png |pag·lang·háp
la·ngî
pnd |i·la·ngî, la·ngi·án, lu·ma·ngî, mag·la·ngî
1:
[ST]
maging tuyo ang mga sanga
2:
Agr
[ST]
madurog ang malalambot sa mga tanim
3:
[ST]
maglahong bigla
4:
[Seb]
magpútol o putulin.
la·ngî
pnr |[ Kap ]
:
tuyô1 ; tigáng.
la·ngíb
png |Med |[ Kap Tag ]
2:
dugong namuo at natuyô.
La·ngí·lan
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo.
la·ngín
png |[ ST ]
1:
Zoo
uri ng mammal na hindi magkapares ang mga súso
2:
Med
táo na nakaratay.
la·ngís
png |[ Bik Kap Hil Pan Tag ]
1:
2:
dinalisay na krudo : OIL
3:
pag·la·la·ngís panu-nuyò sa isang tao upang mapagbigyan — pnd la·ngi·sán,
mag·la·ngís.
lá·ngit
png |[ Bik Hil Iba Ilk Mag Seb Tag War ]
1:
rehiyon sa atmospera at sa kalawakang makikíta mula sa Earth : SKY
2:
sa Kristiyanismo, tahanan ng Diyos at ng mga anghel : HEAVEN,
HOLY CITY2,
PARAÍSO2
lá·ngit-lá·ngit
png
:
malapad na káyo o papel na inilalagay na tíla kisame sa sasakyan, kapilya, katre, at iba pa at kinakabitan ng mga palamuti Cf CANOPY
la·ngít-lan·gí·tan
png |[ langit langit+ an ]
1:
pansamantalang habong o silungan, karaniwang yarì sa tela
2:
tawag din sa kámang may ganitong yarì : LIMBÓ1
lang·kâ
png |Bot |[ Bit Hil Iba Ilk Mrw Pan Seb War Tag ]
láng·ka
png |Say |[ Sma ]
:
sayaw ng pakikidigma.
lang·kág
pnr
:
magaan at madalîng dalhin.
lang·káp
png |[ ST ]
1:
dalawa o mahigit pang bagay na pinagsáma, gaya ng dalawang himaymay na pinagpares upang habihin
2:
elemento, bagay, o bahaging pinagkakabitan ng isa pang bagay — pnd i·lang·káp,
lang·ka·pán,
mag·lang·káp.
lang·ká·pan
pnr |[ langkap+an ]
:
magkasáma ; magkatulong.
lang·ká·pan
png
1:
Gra
[langkap+ an]
pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at dalawa o higit pang sugnay
2:
[Hil]
kawayang higaan na ginagamit ng mga taga-Panay noon sa pagbubuhát ng patay.
lang·ká·pi
png |[ Ilk ]
:
papag na kawayan.
lang·káw
pnr
:
mahabà at payat, tulad ng leeg o binti.
lang·ka·wás
png |Bot
1:
mataas na palumpong (Alpinia zerumbet ) na tíla kawayan, putî at kulay kahel ang bulaklak na may bahid na puláng guhit, at makintab ang ubod
2:
[Bik Kap Hil Seb Tag War]
yerba (Languas pyramidata ) na pampalasa ng pagkain ang muràng sanga at bulaklak
3:
[Hil]
uri ng ilahas na luya.
lang·káy
png
2:
Zoo
kawan, karaniwang tumutukoy sa mga ibon
3:
[ST]
pagpapasok ng isang bagay
4:
[ST]
pagkuha nang walang pag-iingat o hinahon.
láng·kay
pnr |[ Seb ]
:
natuyông dahon at katulad.
lang·ká·yan
png
1:
higaan na may bitbítan at ginagamit sa pagdadalá ng maysakít
2:
patungan ng mga imahen Cf ÁNDAS
lang·kín
png
:
bagting na yarì sa bitu-ka ng hayop, lalo na ng tupa, at karaniwang ginagamit sa biyolin o búsog.
láng·king
png |[ Seb Tag Tsi ]
:
tintang itim.
láng·kit
png |[ Mrw ]
:
makitid na tela na hinábi nang hiwalay sa maliit na habihan.
láng·kob
png |Zoo |[ War ]
:
sisiw o inakáy na may kompletong balahibo.
lang·kó·ban
png |Bot |[ Ilk ]
:
palay na mabilis mahinog, may sungot sa uhay, at may puláng butil.
lang·kól
png |[ ST ]
1:
paggawâ nang minsanan : LÁNGKOM
2:
pagkuha o paghawak nang napakarami sa isang takdang panahon : LÁNGKOM — pnd lang·ku·lín,
mag·lang·kól.
lang·ku·síp
png
:
pagtakas o pagtatago upang hindi mabigyan ng takdang gawain — pnd lang·ku·si·pán,
mag·lang·ku·síp.