langit


lá·ngit

png |[ Bik Hil Iba Ilk Mag Seb Tag War ]
1:
rehiyon sa atmospera at sa kalawakang makikíta mula sa Earth : SKY
2:
sa Kristiyanismo, tahanan ng Diyos at ng mga anghel : HEAVEN, HOLY CITY2, PARAÍSO2

lá·ngit-lá·ngit

png
:
malapad na káyo o papel na inilalagay na tíla kisame sa sasakyan, kapilya, katre, at iba pa at kinakabitan ng mga palamuti Cf CANOPY

la·ngít-lan·gí·tan

png |[ langit langit+ an ]
1:
pansamantalang habong o silungan, karaniwang yarì sa tela
2:
tawag din sa kámang may ganitong yarì : LIMBÓ1

la·ngit·ngít

png
1:
[Kap Tag] impit na tunog na gawa ng pagkikiskisan o paglalapat ng dalawang bagay : AGÁAK2, ATÉET, GALAGÁR, ÍGOT3, LAGÍIT, LANGUBNGÚB, RAGÁAK, RÁIT, RANÉTRET
2: