maliit na punongkahoy (Lansium domesticum) na tumataas nang 4-15 m, may eliptikong dahon na 18 sm ang habà, may maliliit na bulaklak, at may bunga na bilugan at kumpol-kumpol na may isa hanggang dalawang butó na nababálot ng nakakaing lamán, itinatanim sa maraming bahagi ng Filipinas dahil sa malinamnam na bunga
pinakamataas na bundók sa Filipinas na nása katimugang Mindanao, sa pagitan ng North Cotabato sa kanluran at Lungsod Davao sa silangan at may taas na 2,954 m mula sa pantay-dagat
bundók sa timog Asia sa hanggahan ng Nepal at Tibet, bahagi ng Bulubundukin ng Himalaya, may taas na 8,848 m mula sa pantay-dagat, at itinuturing na pina-kamataas na bundok sa buong mundo