lapida


lá·pi·dá

png |[ Esp ]
:
pamukha sa puntod, karaniwang kinasusulatan ng pangalan, kapanganakan, at kamatayan ng nakalibing : TOMBSTONE

la·pi·dár·yo

png |[ Esp lapidario ]
1:
artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabás na mahahalagang bató o hiyas
2:
sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas.