larga
lár·ga
pnd |i·lár·ga, lár·ga·hán, lu·már·ga
1:
[Esp largar]
bigwasan ; suntukin
2:
[Esp alargar]
paluwagin, o ihugos ang lubid o kable.
lar·ga·bís·ta
png |[ Esp larga+vista ]
:
teleskopyo na binubuo ng dalawang magkatabíng lenteng itinatapat sa dalawang matá, upang makíta ang anumang nása malayò : ANTEÓHOS2,
BINOCULARS
lar·gá·do
pnr |[ Esp larga+do ]
1:
walang takda o hanggáhan ang paggasta
2:
mahabà ang talì, gaya ng saranggolang pinalilipad.
lár·ga má·sa
png |[ Esp larga+masa ]
:
pinaghalòng sukát na dami ng semento, buhangin, graba, at tubig, bukod pa ang inilagay na kabilya upang higit na tumibay.
lar·ga·ré·te
png |Psd |[ Esp ]
:
uri ng lambat ng isda.