lihi


li·hí

png |[ Seb Tag ]
1:
simula ng pagbubuntis : AGLÍ, ÍNAW, KONSEPSIYÓN2, NGÍDAM, NGINÉW, NÍLING1, TÚDKI
2:
masidhing pagnanais, gálit, o tuwa sa sinuman o anuman ng isang nagsisimulang magdalang-tao — pnd i·pag·li·hí, ma·pág·li·hán, mag·li·hí
3:
sa sinaunang lipunang Bisaya, mga pamahiin upang tupdin o huwag gawin ang isang bagay, gaya ng lihí na huwag magtrabaho kapag araw ng pagngilin o ng lihí na huwag kumain ng baboy.

lí·hib

png
:
bútas na ginawâ sa kahoy na hanggang kalahatian lámang.

lí·him

png pnr |[ Kap Tag ]
:
bagay, pangyayari, pook, o niloloob na walang nakakaalám kundi isang tao : DANÁLEG2, DILÍM2, ENTRE NOUS2, ESOTÉRIKÓ2, HÍLOM5, ITÓY3, SECRET, SEKRÉTO, LINGÁD, LINGÍD2

li·híng

pnr |Med |[ ST ]
:
humupa ang lagnat o sakít Cf HIBÁS, HÚLAW

lí·hing

pnb |[ ST Kap ]
:
walang kapangyarihan ; walang magawâ ; sa wala’t wala rin nauwi.

li·hís

pnr
1:
mag-iba ng landas ; hindi pagtama : LÍBYAS, LÍHAY, SÍWAY

li·hi·yá

png |Kem |[ Esp lejiá ]
:
varyant ng lehiyá.