lumba
lum·bá
pnd |lu·mum·bá, lum·ba·ín, mag·lum·ba·hán |[ ST ]
:
pumusta o magpustuhan sa kung sino ang mas maagang matapos.
lum·bâ
png |Zoo
:
pating (Carcharias melanopterus ) na itim ang palikpik.
lum·bá·go
png |Med |[ Esp ]
:
paulit-ulit na pangingirot sa ibabâng dáko ng likuran ng tao ; rayuma sa likod sa dakong baywang.
lum·bák
png |[ ST ]
:
pagtalon nang nakatingkayad.
lúm·ba-lúm·ba
png |Zoo
lum·báng
png |Bot
:
punongkahoy (Aleurites moluccana ) na katutubò sa Filipinas, karaniwang 80-150 sm ang diyametro, biluhabâ ang bunga na nakukunan ng langis na sangkap sa paggawâ ng pintura, barnis, sabon, at iba pa : BÍYAW,
CANDLE NUT TREE,
KAPÍLI,
KALUMBÁN1,
RUMBÁNG
lumbar (lám·bar)
pnr |Ana |[ Ing ]
:
may kaugnayan sa pigî lalo sa iba-ibang bahagi nitó.
lum·bát
png |[ ST ]
:
martabánang may barnis.
lum·báy
png
:
matinding kalungkutan : DOLÓR,
KAMÍNGAW,
LAGÍM2,
LÁIW,
LÚGMA,
MÁ TO,
PANGLÓ,
PÚNG-AW,
SORROW,
TALIPÚNGAW,
TARUMPÍNGAY,
TÁWAN-TÁWAN,
TIBÍL Cf GALIMGÍM
lúm·bay
png |Bot |[ Hil ]
:
murà at malambot na dahon ; bagong sibol na dahon.
lum·bá·yaw
png |Bot |[ Mrw Tag ]
:
matigas na punongkahoy na kauri ng mahogany.