: pangkalahatang tawag sa alga, gaya ng alga (Usnea philippina) na matatagpuan sa katawan ng punòng niyog at pino; ng alga (Gracilaria lichinoides) na maaaring kainin ng tao, karaniwang nakikíta sa mabató, at mabuhanging bahagi ng pampang; manipis at lungtiang alga (Gracilaria confer-voides) na inilalahok sa ibang gulay, at ginagamit sa paggawâ ng agar-agar; alga (Enteromorpha intestinalis) na pagkain ng bangus; asul-lungtiang alga (Microcystis arruginosa) na karaniwang matatagpuan sa lawa ng Laguna at Ilog Pasig