lungga


lung·gâ

png |[ Kap Tag ]
1:
malalim na hukay sa lupa o sa putik na pinamamahayan ng mga hayop, parasito, at iba pa : HOLE3
2:
Kol pook na taguan ng mga masasamâng-loob, lagalag, at iba pa.

lung·gá·ngan

png |[ Ilk ]
1:
dalawang malaking pútol ng kawayan sa itaas na gilid ng kariton
2:
alinman sa dalawang baras ng kareta.

lung·ga·tî

png |Sik
:
damdamin ng paghahangad na karaniwang may kasámang aktibong pagsisikap na baguhin ang kasalukuyang kalagayan na kulang, labis, o magulo upang umayon o umakma sa layon ng isang indibidwal : DESIRE Cf NASÀ