lupi
lu·pí
pnr |[ ST ]
:
nakalaylay na tainga tulad ng sa áso.
lu·píg
pnr
:
ganap na nasupil o nasákop.
lú·pig
png |[ Bik Kap Seb Tag ]
1:
ganap na pagwawagi o ganap na pagsupil sa kalaban
2:
marahas na pagsakop sa iba — pnd lu·pí·gin,
ma·lú·pig.
lu·píng
png |Bot
:
uri ng kamote.
lu·pi·sán
png |Bot |[ War ]
:
niyog na may manipis na balát.
lu·pít
png |[ Kap Tag ]
lú·pit
png |[ ST ]
:
pagtapos ng usapin sa pamamagitan ng pagkakasundo.