luto
lu·tó
png |[ ST ]
:
pagbilí ng tuba.
lu·tò
png |[ Bik Seb Tag ]
:
paghahanda ng pagkain sa pamamagitan ng init ng apoy, gaya sa paglalaga, paghuhurno, at pag-iihaw Cf COOK — pnd i·lu·tò,
lu·tú·in,
mag·lu·tò,
ma·lu·tò.
lu·tô
pnr
:
inihanda sa pamamagitan ng init ng apoy.
lu·tók
png |[ ST ]
1:
tunog ng patpat o ng sanga ng punò kapag napuputol
2:
pagpapatuyô ng palay sa pamamagitan ng pagbilad sa araw.
lu·tóng
png
1:
katangian ng bagay na matigas ngunit madalîng mabali o madurog — pnr ma·lu·tóng — pnd mag·pa·lu·tóng,
pa·lu·tu·ngín
2:
Zoo
[ST]
batàng matsing.
lu·tòng ma·káw
pnr |[ Tag luto+na Chi Macao ]
:
inayos ang resulta ng halalan o paligsahan.
lú·tos
png |Zoo
:
uri ng parasitong naninirahan sa tubig at sumisirà sa tuod o anumang kahoy na nakabábad sa tubigan.
lú·tos
pnd |i·lú·tos, i·pa·lú·tos, ma·lú·tos
1:
[ST]
biglang malubog dahil sa karupukan ng balangkas
2:
[Seb]
tugisin o habulin.
lú·toy
png |Med |[ ST ]
:
lintos na dulot ng apoy.