lymph


lymph (limf)

png |Bio |[ Ing ]
1:
likidong walang kulay na may putîng selula ng dugo at mula sa mga tissue : LÍMPA
2:
tubíg-tubíg na karaniwang nása paltos : LÍMPA

lymphatic system (lim·fá·tik sís· tem)

png |Bio |[ Ing ]
:
magkakaugnay na mga vessel na dinadaluyan ng lymph.

lymph gland (limf gland)

png |Bio |[ Ing ]
:
lymph node.

lymph node (limf nowd)

png |Bio |[ Ing ]
:
maliit na mass ng tissue sa lymphatic system na pinagdadalisayan ng lymph : LYMPH GLAND

lymphocyte (lím·fo·sáyt)

png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa walang kulay at mahinàng selula sa normal na dugo ng tao.

lymphoma (lim·fó·ma)

png |Med |[ Ing ]
:
anumang malalâng tumor sa lymph node, bukod sa leukemia.