mag-
pnl
1: pambuo ng pangngalan, karaniwang nagsasaad ng relasyon sa isa’t isa ng dalawang tauhan, hal mag-ama, mag-ina, magnuno
2: pambuo ng mga pangngalang nagsasaad ng trabaho o gawain sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitâng-ugat, hal aral=mag-aaral; bukid= magbubukid; gulay= maggu-gulay
3: pambuo ng pandiwang pa-watas at nagsasaad ng aksiyon, hal mag-aral, magluto, magsayaw
4: pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pag-uulit o tuloy-tuloy na aksiyon, at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal magtatakbo, maglulukso, magsisigaw
5: pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng panghihikayat na isa-katuparan ang isang aksiyon at inu-ulit ang salitâng-ugat, hal magpasyal-pasyal, mag-arál-arál
6: pambuo ng pandiwang may dalawahan o mara-mihang tagaganap, nagsasaad ng ak-siyon na nanggagaling sa iba’t ibang direksiyon, hal magbanggâ, magsalu-bong, magkíta, magtagpô
7: pambuo ng pandiwa at dinudugtu-ngan ng gitlaping –um– nangangahu-lugan ng pagpipilit o pagpupunyagi, hal, magsumigáw, magpumiglás