magka-


mag·ká-

pnl
1:
pambuo ng pangngalan, nagsasaad ng relasyon ng dalawang tao, bagay, at katulad hal mag-kasáma, magkapatid, magkababayan
2:
pambuo ng pangngalang nagsasaad ng relasyon ng mahigit sa dalawang tao o bagay na inuulit ang -ka- na panlapi para magsaad ng maramihang relasyon ng tao, bagay o katulad
3:
pambuo sa pandiwa, nagpapakíta ng katangiang mangyari, maganap, o magkaroon, hal magkabisà, magkaanak Cf NAGKÁ-1
4:
pambuo ng pandiwang nasa kalagayang panghinaharap na inuulit ang pantig na -ka- sa panlapi hal magkakabisà, magkakaanák.

mág·ka·kar·né

png |[ mag+ka+karne ]
:
tao na nagbebenta ng karne : BUTCHER1, KÁRNISÉRO1

mag·káng-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat at nagsasaad ng hindi karaniwang pangyayari sa tauhan na nagiging dahilan upang maging palayón ang pandiwa, hal magkanghuhulog Cf NAGKÁNG-

mag·ká·no

pnh
:
ginagamit na pananong, tungkol sa halaga ng isang bagay : HOW MUCH, MANÓT, PIGÁ1

mag·ká·ta·wáng-tá·o

pnr |[ mag+katawan+na tao ]
:
maging tao o magkaroon ng anyo ng isang tao.