magma
mág·ma
png |Heo |[ Ing ]
:
malagkit na materyales sa ilalim ng lupa na bumubuo sa lava at igneous rock.
mag·ma·da·lî
pnd |[ mag+ma+dali ]
:
gawin ang isang bagay o kumilos sa pinakamabilis na paraan.
mag·mág
png |[ ST ]
:
sentído komún.
mag·ma·la·kí
pnd |[ mag+ma+laki ]
:
magpahayag o magpakíta ng pagpapahalaga ; ipagparangalan ang isang katangian o pag-aari.
mag·ma·ma·nók
png |[ ST mag+ma+ manok ]
:
tao na may kakayahang magbabalâ ng masamâng maaaring mangyari sa pamamagitan ng ibon, ahas, dagâ, atbp.
mag·ma·ngá·yaw
png |Say
:
uri ng sayaw bago magtúngo sa digma.