magpa-


mag·pá-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagpapakíta ng aksiyon, dahilan upang gawin ang sinasabi ng salitâng-ugat, hal magpagawâ, magpabili, magpapasok Cf NAGPÁ-

mag·pa·ká-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, palayón ang gamit ng tagaganap at nagsasaad ng pagpipilit upang maganap o matupad ang sinasabi ng salitâng-ugat, hal magpakabuti, magpakagaling, magpakabait Cf NAGPAKÁ-

mag·pa·ká·i·lan·mán

pnr |[ magpaka+ ilan+man ]
1:
sa loob ng walang-hanggang panahon : FOREVER Cf SIYÉMPRE
2:
sa lahat ng panahon : FOREVER

mag·pa·ká·sal

pnd |[ mag+pa+kasal ]

Mag·pa·lay·láy

png |Mit |[ ST ]
:
isang sinaunang bathala.

mag·pa·pa·la·yók

png |[ mag+pa+ palayok ]
:
tao na gumagawâ ng palayok : MÁNUN, POTTER

mag·pa·rá·os

pnd |[ mag+pa+daos ]
1:
magpalipas ng oras
2:
mag-aliw, lalo na sa píling ng puta.

mag·pa·tí-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa, palayon ang epekto na nagpapakita ng aksiyong ginawâ sa sarili na karaniwang marahas, hal magpatiwakal, magpatihulog, magpatirapâ
2:
hindi kasáma sa semantikong hanay ng magpati-1 nagsasaad ng higit na magaang na pagganap na palayón, hal magpatibuhat Cf NAGPATÍ-

mag·pa·u·man·hín

pnd |[ mag+pau-manhin ]
:
tanggapin ang paghingi ng paumanhin ; magpatawad.