mais


ma·ís

png |Bot |[ Esp maiz ]
1:
haláman (Zea mays ) na tumataas nang 2–4 m, mahahabà ang dahon, at may i-sa o dalawang pahabâng bunga na mabutil : CORN, KAMÁIS, MAIZE, MANGÍ
2:
tawag sa bunga nitó : CORN, KAMÁIS, MAIZE, MANGÍ

má·is

png |[ ST ]
:
pagiging muhî.

ma·í·seg

png |[ Kal ]
:
mandirigmang nakapatay ng dalawampu’t limang kaaway at may karangalang magsuot ng itim na damit at puláng bulaklak sa ulo.

ma·í·si·pa·í·si

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.