maki-


makí-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa, ginagamit sa paghingi o paghiling ng permiso o pagpayag, hal makiraan, makiabot, makiupô
2:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagpaloob sa isang pangkat, hal makihanay, makisáma, makihilera
3:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagsali nang isahan o maramihan tungo sa isang tiyak na aksiyon, hal makibáka, makiaway, makilarô
4:
pambuo sa pandiwa, nagsasaad ng panggagaya o pagtulad, hal makibagay, makiayon
5:
pambuo sa pandiwa, kapag sinasamáhan ng -pa-, nagsasaad ng kahili-ngan o pagpaloob, hal makipahinga, makipakinig
6:
pambuo sa pandiwa, kapag ikinabit sa -pag-, nagsasaad ng pagsáma sa karamihan at pagganap sa isang aksiyon, hal makipagkíta, makipaglaro, makipag-away
7:
pambuo sa pandiwa, nagiging makipag-, subalit may -an, nagsasaad ng pagbabalikan o sabayang aksiyon, hal makipagsulatan, makipagsigawan, makipagtawanan
8:
pambuo sa pandiwa, nakabubuo ng makipagpa- mula sa anyong magpa- at nagsasaad ng pagsali o pagpaloob dahil sa pag-kakaroon ng isang bagay na nagawâ, hal makipagpaalis, makipagpagawâ, makipagpabili Cf NAKIPAGPA-

ma·ki·a·lám

pnd |[ maki+alam ]
:
sumangkot o makisangkot sa isang gawain o usapin ng ibang tao, kara-niwang walang pahintulot ang mga tunay na kasangkot.

ma·ki·bá·ka

pnd |[ maki+báka ]
:
lumahok o sumáma sa pagbabáka o labanán : STRUGGLE1

ma·ki·kat·nì

png |Gra Lgw |[ Kap ]

ma·ki·líg

png |Bot |[ ma+kilíg ]
:
uri ng haláman na may dahong tulad ng pélus.

má·kin

pnb |[ ST ]

má·ki·ná

png |[ Esp maquina ]
1:
aparatong gumagamit ng mekanikal na lakas at may tiyak na gawain ang iba’t ibang bahagi : ENGINE, MACHINE, MOTÓR1
2:
uri ng aparatong mekanikal, gaya ng sa sasakyan : ENGINE, MACHINE, MOTÓR1
3:
instrumentong nagpapadaloy ng lakas : MACHINE
4:
sistemang nagkokontrol ng isang organisasyon : MACHINE
5:
tao na mekanikal kung kumilos at kulang sa emosyon : MACHINE

ma·ki·nár·ya

png |[ Esp maquinaria ]
1:
mákiná sa pangkalahatan : MACHINERY
2:
bahagi ng mákiná : MACHINERY
3:
organisadong sistema : MACHINERY
4:
pamamaraan na maaaring gamitin : MACHINERY

ma·ki·nas·yón

png |[ Esp maquinacion ]
1:
ang akto, halimbawa, o proseso ng paggawâ at pag-aayos ng mákiná
2:
pinaghandaang plano o intriga.

ma·ki·níl·ya

png |[ Esp maquinilla ]
1:
kasangkapan para sa mekanikal na pagsusulat ng titik at mga tipo
2:
sa paglilimbag, estilo ng tipo na nagbibigay ng anyo ng kopyang likha nitó : TYPEWRITER Cf TYPIST
3:
kasangkapan ng barbero sa pagputol ng buhok.

ma·kí·nis

pnr |[ ma+kinis ]
:
may katangian ng kinis : HÁMIS, ÍS-IS2, SMOOTH1, SOFT3

ma·ki·nís·ta

png |[ Esp maquinista ]
1:
tao na gumagamit ng mákiná : MACHINIST
2:
tao na gumagawâ ng makinarya : MACHINIST

ma·ki·pag-i·sáng dib·dib

pnd |[ maki-pag+isá+ng dibdib ]

ma·kí·pak

pnr
:
nangangapal sa dumi.

ma·kí·sig

pnr |[ ma+kisig ]

ma·kí·tid

pnr |[ ma+kitid ]
:
may kapansin-pansing kitid : HALIGÓT, NARROW1

ma·ki·wà

png |Zoo |[ Kap ]