malata
ma·lá·ta·lóng
png |Bot |[ mala+talong ]
:
palumpong (Solanum verbascifolium ) na tumataas nang 1–4 m, mabuhok, may dahong humahabà nang 10–23 sm, at may bulaklak na maputî o bughaw.
ma·lá·tam·bán
png |[ ST mala+ tamban ]
:
maliit na alon.
ma·lá·tan·dók
png |Zoo |[ ST mala+ tandok ]
1:
sungay ng batàng kalabaw at usa
2:
taguri sa batàng kalabaw o usa.
ma·la·tan·tá·ngan
png |Bot |[ mala+ tantang+an ]
:
punongkahoy (Hernandia ovigera ) na may makikinis na dahon, mabuhok na putîng bulaklak, at bilog na bunga na nakukuhanan ng langis na ginagamit sa paggawâ ng kandila o pantanggal ng balakubak.