man
man
png |[ Ing ]
1:
2:
tigulang na laláki o laláking may mga katangiang pisikal na naiiba sa babae o batà
3:
man
pnb
1:
sinusundan ng lámang, nagsasaad ng pinakamaliit na aksiyon, hal “Pakita ka man lámang.”
2:
sumusunod sa hindi at sinusundan ng lámang at nagsasaad ng hinanakit, hal “Hindi man lámang nila ako sinundo”
3:
din, hal “ikaw man,” “siya man.”
man-
pnl
1:
avaryant ng mang-2 pambuo sa pandiwa, ginagamit bago ang salitâng-ugat na nagsisimula sa katinig na d, l, r, s, t at kung minsan ay tinatanggal ang s o t, hal dakot b=mandakot, lilip =manlilip, takot = manakot
2:
apambuo sa pangngalan na nagsisimula sa d, l, r, s, t at tinatanggal kung minsan ang s o t, inuulit ang pantig nitó, hal dakot b= mandadakot, lilip = manlililip, takot =mananakot.
man
pnh
:
karaniwang isinusunod sa alin, ano, kailan, at sino, at nangangahulugang “kahit,” hal alinman, anuman, kailanman.
mana-
pnl |[ ST ]
:
nangangahulugang sa bawat isa, at inilalagay sa unahan ng bilang, hal manaikapat.
ma·ná
png |Bot |[ Esp ]
1:
palumpong (Jatropha multifida ) na maliit, madagta, at lila ang bulaklak, katutubò sa topikong America : CORAL PLANT
2:
palumpong o punongkahoy (genus Erythrina ) na may malálakíng pumpon ng bulaklak.
má·na
pnb |[ ST ]
:
nagpapaliwanag ng bagay na malinaw, ipinakikíta, at ipinakilala, karaniwang nangangahulugang ito o narito.
ma·na·án
pnr |Mat |[ mang+daan ]
:
tig-isang daan, gaya ng manaang piso.
ma·ná·da
png |Zoo |[ Esp ]
:
kawan ng mga ibon.
ma·ná·dor
png |Zoo |[ Ilk ]
:
barakong hayop na ipinapalahi sa kapuwa hayop.
ma·ná·ging
png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng kagit (Prioniturus discurus ) na may kulay bughaw na tuktok.
Ma·na·gó·san
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng Mandaya.
ma·nak·ták
png |[ ST ]
:
pagsasalita nang walang kabuluhan.
ma·ná·la
png |[ Iva ]
:
tao na katulong sa pangingisda.
Ma·na·la·gár
png |Mit |[ Cha ]
:
espiritung nangangalaga laban sa mga sumasalakay.
ma·na·ma·ná
pnr |[ ST ]
:
tampulan ng pangungutya.
ma·nam·báy
png |Lit Mus |[ Sub ]
:
awit sa pagtulì.
ma·nam·sé
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng isda na ganito ang tawag sa Batangas ; tinatawag ding láwlaw sa Maynila at halubaybáy kapag maliit.
ma·na·na·hì
png |[ mang+ta+tahi ]
:
má·na·ná·kop
png |Pol |[ mang+sa+ sákop ]
:
tao, pangkat ng tao, o bansa na nanlupig ng ibang pangkat ng tao o bansa : ANEKSIYONÍSTA,
CONQUEROR,
IMBASÓR,
INVADER,
KOLONISADÓR,
KONGKISTADÓR
ma·na·na·lum·pa·tî
png |[ mang+ta+ talumpati ]
:
tao na mahusay magtalumpati : ORADÓR,
ORATOR,
RHETORICIAN3
ma·na·nam·pál
png |Zoo |[ ST mang+sa +sampál ]
:
uri ng hipon.
ma·na·nang·gál
png |Mit |[ mang+ta+ tanggal ]
:
aswang na may kakayahang hatiin ang katawan, nagkakapakpak at lumilipad ang pang-itaas na kalahati, at mahilig sumipsip ng sanggol sa tiyan ng buntis : IKÌ2,
MAGTATANGGÁL
ma·na·ná·ra
png |[ man+sa+sará ]
:
tagapaglagay ng tampok sa hiyas.
ma·nan-áw
png |Bot |[ Seb ]
:
dapò (Phalaenopsis leuddemaniana ) na maikli ang tangkay at may bulaklak na putî o dilaw, 6 sm ang diyametro, at napakahinà ang bango : FLOR DE LAMAÑANA
ma·na·ná·yaw
png |Sin |[ mang+sa +sayaw ]
má·na·ná·yom
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng ibong karaniwang nag-iisa.
ma·nan·dés
png |[ Seb ]
:
ánder de-sáya.
má·nang
png
1:
[Esp]
pinaikling hermána
2:
babaeng relihiyoso
3:
Kol
matandang babae
4:
[Ilk]
áte, má·nong3 kung laláki.
ma·ná·nid
png |Zoo
:
uri ng ape na kasinlakí ng bakulaw (family Pongidae ) var manánig
ma·na·nú·sad
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, tao na tagaayos ng ngipin at naglalagay ng pusad2
ma·na·pá
pnb |[ mana+pa ]
:
mabuti pa ; lalong mabuti.
ma·na·pát
png |[ ST mang+tapát ]
:
timbang na pantay at walang pandaraya.
ma·nás
png |pa·ma·ma·nás |Med |[ Kap Pan Tag ]
ma·náy·ti
png |Zoo
:
pipitt (Phylloscopus borealis ) na katamtaman ang laki na may kayumangging pakpak, likod, at buntot, at maruming putî ang dibdib at tiyan.
manchego cheese (man·tsé·go tsis)
png |[ Ing ]
:
uri ng keso mula sa gatas ng tupa na gawâ sa rehiyon ng La Mancha, karaniwang matigas at may testurang mantekilya at malimit na may maliliit na butas.
man·da·da·lág
png |Zoo |[ mang+da+ dalag ]
:
uri ng ahas tubig.
mán·dal
png |[ Kap ]
:
hintô o paghinto.
man·da·lâ
png |Agr |[ ma+n+dala ]
:
pinakamalaking tumpok ng mga ginapas na palay na isinaayos na tíla pabilog na piramide upang patuyuin bago giikin : STACK1 Cf BÉLITÀ,
BINALIMBÍNG,
BINIGKÍS,
SÍPOK
man·dá·la
png |[ Ing ]
1:
bilog na simbolikong pigura na inilalarawan ang kalawakan sa iba’t ibang relihiyon
2:
sa sikolohiya, ang simbolong ito sa panaginip na naglalarawan sa paghahanap ng kaganapan at kaisahan ng taong nananaginip.
Man·da·lú·yong
png |Heg
:
lungsod sa National Capital Region.
man·dá·mus
png |Bat |[ Lat ]
:
utos sa nakabababàng hukuman o sa isang tao upang gumanap sa kaniyang tungkulin.
mán·da·ra·gít
png |[ mang+da+dagit ]
:
malaking ibon na dumadagit ng maliliit na hayop upang kainin : PÁHAT2
mán·da·ra·lág
png |Zoo |[ ST mang+da +dalag ]
:
ahas na mahabà at kulay kayumanggi.
mán·da·ram·bóng
png |[ mang+da+ dambong ]
:
tao na gumagawâ ng dambong o pandarambong : DEP-REDADÓR,
DEPREDATOR,
MANGÁYAW,
SAKEADÓR
Man·da·ra·ngan
png |Mit |[ Bag ]
:
diyos ng digmaan.
mán·da·rá·ya
png |Bat |[ mang+da+ daya ]
Man·da·rín
png |Lgw |[ Tsi Por mandar +in ]
1:
istandard na wika ng mga Chino
2:
wika sa kanlurang China, lalo na sa Beijing.
mandate (mán·deyt)
png
1:
2:
tangkilik sa plataporma ng kandidato o partidong nagwagi, batay sa boto ng mga tao sa isang halalan
3:
komisyon upang gumawâ ng tungkulin para sa iba
4:
Bat
kautusan na ang isang partido ay pinagkakatiwalaan upang gumanap sa serbisyo, karaniwang walâng báyad subalit may bayad-pinsala kung makagagawâ ng anumang pagkakamalî
5:
kautusan o desisyon ng Papa.
mandatory (mán·da·tó·ri)
pnr |[ Ing ]
1:
sápilitán ; kailángan
2:
iniuutos o ipinag-uutos.
Mandaue (man·dá·we)
png |Heg
:
lungsod sa Cebu.
Man·da·yá
png |Ant
1:
pangkating etniko na matatagpuan sa Davao Oriental
2:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Apayaw.
man·dín
pnr pnb
1:
tíla2 hal “lider mandin siya ng klase”
2:
hindi akalain, hal “nakapasá ako mandin.” o “Nang magkíta kami, tumayô siya mandin, at binatì ako.”
man·di·rig·mâ
png |[ mang+di+digma ]
mán·do·lín
png |Mus |[ Ing Ita mandoli-no ]
:
instrumentong may bagting at karaniwang ginagamit sa pag-akompanya sa awiting-bayan.
man·do·ro·gó
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng palay.
man·do·ro·gól
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng ibong kulay itim.
mán·dra·gó·ra
png |[ Esp ]
:
uri ng narkotiko.
man·dríl
png |Kar |[ Esp ]
:
kidkíran ng katad.