mang-
mang-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang nagsasaad ng kolektibo, propesyonal, o nakaugaliang kilos, hal manggamót, mangisdâ, mangagát Cf NANG-
ma·ngá-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang kilos o pangyayari, hal mangabasag, mangahulog, mangamatay Cf NANGÁ-
ma·ngág-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng anyong palansak ng pandiwang mag-, hal mangag-aral, mangagdaos Cf NANGÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudug-tungan ng hulaping -an o -han, at nakatuon sa maramihang tagaganap, hal mangagtakbuhan, mangag-labasan Cf NANGÁG-
ma·ngág·ka-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagkakaroon o ng maaaring maganap, hal mangagkabahay, mangagkaniyog Cf NANGÁGKA-
2:
pambuo ng pandiwa, dinurugtungan ng hulaping –an, at nagsasaad ng maramihang aksiyon, hal mangagkaabutan, mangagkabigayan, mangagkawalaan Cf NANGÁGKA-
ma·ngág·ka·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang tagaganap at aksiyon, at inuulit ang salitâng-ugat upang ipakíta ang maaaring maganap o ang magaganap sa hinaharap, hal mangagkakalayô, mangagkakalayô-layô Cf NANGÁGKAKÁ-
ma·ngág·pa-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at matinding diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpatayô, mangagpaluntî Cf NANGÁGPA-
ma·ngág·pa·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at sukdulang diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpakasamâ, mangagpakabuti Cf NANGÁGPAKÁ-
ma·ngág·si-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang aksiyong palansak, hal mangagsialis, mangagsibalik, mangagsidalo Cf NANGÁGSI-
ma·ngág·si·pág-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipag-aral, mangagsipagbayad Cf NANGÁGSIPÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinurugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng higit na masidhi at maramihang aksiyong palansak, hal mangagsipag-alisan, mangagsipagtakbuhan Cf NANGÁGSIPÁG-
ma·ngág·si·pág·pa-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipagpatihulog, mangagsipagpatiwakal Cf NANGÁGSIPÁGPA-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng maramihang tagaganap at ng higit na masidhing aksiyong palansak, hal mangagsipagpapatayan, mangagsipagpapakulahan Cf NANGÁGSIPÁGPA-
ma·ngág·si·pág·pa·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyon hinggil sa hinaharap, hal mangagsipagpakabuti, mangagsipagkasamò Cf NANGÁGSIPÁGPAKÁ-
ma·ngál
png |[ ST ]
:
simangot na may kasámang galit.
Ma·ngá·li-lú·bo
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalinga.
manganese (máng·ga·nís)
png |Kem |[ Ing ]
:
matigas at abuhing metalikong element (atomic number 25, symbol Mn ) : MANGGANÉSO
ma·nga·ngá·kar
png |[ ST ]
:
manghuhúli ng ibon.
má·nga·nga·la·kál
png |Kom |[ mang+ ka+kalakal ]
:
ma·nga·ngá·tag
png |[ ST ]
:
pinagkakatiwalaang tagasunod o tauhan.
ma·nga·ngá·yaw
png |[ ST ]
:
tao na manghaharang sa mga manlalakbay.
ma·nga·ní·no
png |[ mang+anino ]
:
masungyaw sa harap ng inaakalang malakí o makapangyarihan.
mang-ay·tu·wéng
png |Lit Mus |[ Bon ]
:
awit ng mga magsasaká hábang naglalakbay patungo o paalis sa bukirin.
mang·bú·tot
png |Say |[ Agt ]
:
sayaw na ginagaya ang pagtatanim ng gabe.
mang·gá
png |Bot |[ Igo Ilk Tag Mag ]
1:
punongkahoy (Mangifera indica ) na may bungang biluhaba, malamán at may kaunting asim : MANGO
mang·gád
png |[ Hil ]
:
yáman1–3 o kayamánan.
mang·ga·ga·gá
png |[ mang+ga+ gagá ]
:
tao na pinahihirapan muna ang biktima bago gahasain.
mang·ga·ga·hís
png |[ mang+ga+ gahís ]
:
tao na pinipilit o ginagamitan ng lakas ang biktima upang gahasain.
mang·ga·gá·mot
png |[ mang+ga+ gamot ]
1:
mang·ga·ga·wà
png |[ mang+ga+ gawa ]
2:
tao na may mababàng uri ng gawain, lalo na yaong nangangailangan ng paggamit ng kamay at pagpapawis : LABORER,
OBRÉRO,
OPERÁRYO,
TRABAHA-DÓR,
WÓRKER
mang·ga·ga·wáy
png |Mit |[ mang+ga+ gaway ]
:
mangkukulam na nakapanggagamot, nakapananakít, o nakapapatay.
mang·gás
png |[ Esp manga+s ]
mang·ga·sá
png |Bot
:
uri ng palay o bigas.
mang·ga·tsa·púy
png |Bot
:
malaking punongkahoy (Hopea acuminata ), 35 m ang taas at 90 sm ang diyametro, may dahong habilog, may mga bulaklak na maliit, katutubò sa Filipinas, at karaniwang ginagamit ang kahoy para sa paggawa ng sasakyang-dagat, tulay, at ibang konstruksiyon : BANYÁKU,
BAROSÍNGSING,
DALÍNGDING,
DALINGDÍNGAN,
KALÓT3,
MANGGASINÓRO,
SIYÁW
mang·gé·ra
png |[ Esp manguera ]
1:
noong panahon ng Español, babaeng naglalako ng mangga
2:
túbong goma, gaya ng ginagamit sa pagdidilig ng haláman.
máng·hi·hi·la·gà
png |Zoo |[ ST mang+ hi+hilaga ]
:
banoy na putî, at ganito ang tawag sa Batangas ; tinatawag na pirá sa Laguna.
mang·hód
png |[ Seb ]
:
nakababatàng kapatid.
mang·hór
png |[ ST ]
:
haragan, na nabubúhay sa luho.
mang·hu·hu·là
png |[ mang+hu+ hulà ]
:
tao na pinaniniwalaang may pambihirang talino para tukuyin ang magaganap sa hinaharap, alamin kung nasaan ang isang nawawala, at sagutin ang anumang hiwaga Cf PROPÉTA
ma·ngí·lir
png |[ ST mang+gilid ]
:
eupemistikong salita para sa pagtae.
má·ngi·ngis·dâ
png |[ mang+i+isda ]
:
tao na panghuhúli ng isda ang hanapbuhay : FÍSHERMÁN,
MALALAKAYÁ,
MÁNDARADÁT1,
PESKADÓR1
ma·ngí·pod
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng palma.
ma·ngi·sá·lat
png |Mit
:
mangkukulam na may kakayahang pigilan na umibig at ibigin ang isang tao.
ma·ngít
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.
ma·ngit·lóg
pnd |[ mang+itlog ]
:
magsilang ng itlog.
máng·kil
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
mang·kók
png |[ Chi ]
mang·ku·kú·lam
png |[ mang+ku+ kulam ]
:
tao na dalubhasa sa itim na kapangyarihan at kinatatakutan dahil sa maidudulot na pinsala sa sinumang makaaway o makursunadahan : ALÁSIP,
ÁRAN2,
BRÚHA1,
MANÁNAGISAMÁ,
SILÁGAN
mang·ku·kú·tor
png |[ ST ]
:
sinaunang idolo.
mang·lá·wat-lá·wat
png |[ ST ]
:
bagay na kakaunti at magkakahiwalay sa isa’t isa ang butil o bahagi, gaya ng bayang kakaunti ang mga bahay, o mga tanim na palay na kakaunti ang uhay, o mga hayop na magkakahi-walay sa isa’t isa.
Mang·ló·bar
png |Mit |[ Zam ]
:
bathalang nagpapahupa ng gálit.
mang·lóy
png |[ ST ]
:
pagtawag sa mga áso hábang nangangáso.
mang·máng
pnr |[ Bik Kap Pan Tag ]
1:
hindi nakapag-aral o walang pinag-aralan ; walang dunong : BAGHÓD,
BANGÁL3,
BÚYOY,
ILETRÁDO,
ILITERÁTO,
ILLITERATE,
LIMANGMÁNG,
MODÁPIL,
MANÓL,
MORÉNG,
WALÂNG-PINÁG-ARÁLAN1
2:
hindi makabása o makasulat : BAGHÓD,
BANGÁL3,
BÚYOY,
ILETRÁDO,
ILITERÁTO,
ILLITERATE,
LIMANGMÁNG,
MODÁPIL,
MANÓL,
MORÉNG,
WALÂNG-PINÁG-ARÁLAN1
3:
may kapuna-punang kawalan ng kaalaman hinggil sa isang paksâ o larang : BAGHÓD,
BANGÁL3,
BÚYOY,
ILETRÁDO,
ILITERÁTO,
ILLITERATE,
LIMANGMÁNG,
MODÁPIL,
MANÓL,
MORÉNG,
WALÂNG-PINÁG-ARÁLAN1 Cf HANGÁL
4:
Med
nagdedeliryo dahil sa taas ng lagnat.
mang·ngar·rú·ba
png |[ Ilk ]
:
pangangapitbahay upang makipagtsismisan.
ma·ngo·ngó·bor
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng ibon.
mangosteen (máng·gus·tín)
png |Bot |[ Ing ]
1:
punongkahoy (Garcinia Mangostana ) na may makatas at nakakaing bunga
2:
tawag din sa bunga nitó.