manu
ma·nú·gang
png |[ Bik Kap Ilk Mar Pan Tag ]
ma·nú·kan
png |[ manok+an ]
:
pook na pinag-aalagaan ng manók ; kulungan, alagaan, at paramihan ng manok Cf POULTRY
ma·nuk·tók
png |Zoo |[ ST mang+ tuktok ]
:
ibon na may batík, tinawag na ganito dahil sa pagtuktok nitó gamit ang tuka sa anumang patpat o kawayan.
ma·nú·lu
pnd |[ Kap ]
:
manggamót o gamutin.
ma·núng·gal
png |Bot |[ Bik Hil Iba Kap Mrw Tag ]
:
punongkahoy (Samadera indica ) na tumataas nang 10 m, madilaw ang kahoy at bilu-haba ang mga dahon, kulay pink ang mga bulaklak at bilugan ang bunga : DARÁPUT,
LÍNTON-GÁMÁI,
PALAGIUM
Ma·nung·gúl
png |Kas
1:
mayungib na pook ng sinaunang pamayanan na matatagpuan sa Lipuun Point, Palawan.
2:
banga, tapayan, o anumang sinaunang kagamitan ng mga katutubò na nahukay ng mga arkeologo sa mga yungib ng naturang pook.
ma·nu·ngód
pnr |[ Bik ]
:
tamang pagpresyo sa isang bagay.
ma·nu·nu·bà
png |[ mang+su+suba ]
:
tao na hindi nagbabayad ng utang.
má·nu·nú·bing
png |Zoo
:
maliit na ibon (family Meropidae ), may marikit na balahibo, malaki ang ulo na may mahabà at nakakurbang tuka, at nanginginain ng kulisap : BEE-EATER,
MÍLIWPÍLIW,
PARÍKPARÍK,
PIRÍKPIRÍK,
PURÚKPURÚK
ma·nu·nuk·tók
png |Zoo |[ ST mang+tu+tuktok ]
:
uri ng maliit na kuwago.
ma·nu·nu·lát
png |Lit |[ mang+su+ sulat ]
ma·nu·nu·lóng
png |[ ST mang+tu+tulong ]
:
manggagawa na inuupahan araw-araw.
ma·nu·nú·sok
png |Zoo
:
pinakamalakíng pipit2 sa Filipinas (Arachnothera clarae ) at may balahibong naghahalò ang abuhin, mapusyaw na dilaw, at mapusyaw na dalandan : SPIDERHUNTER
ma·nu·pak·tú·ra
png |[ Esp manufactura ]
1:
paggawâ o paglikhâ ng mga bagay o produkto sa isang pabrika : MANUFACTURE
2:
sangay ng isang industriya : MANUFACTURE
ma·nus·krí·to
png |[ Esp manuscrito ]
1:
orihinal na teksto : MANUSCRIPT
2:
aklat o artikulo na orihinal at isinulat ng kamay : MANUSCRIPT
ma·nú·so
png
:
páha o bigkis na gina-gamit sa mga sanggol.
ma·nus·yâ
png
:
amoy ng tao.
ma·nu·túb
pnr |Zoo |[ ST ]
:
sa ibon, nagsisimulang matútong lumipad.
ma·nu·yò
pnd |[ mang+suyò ]
:
gumawâ ng paraan upang mapalapit sa puso ang isang tao, gaya sa manuyo sa iniibig o sa boss.