mapa
má·pa
png
1:
sapád na representasyon ng rabaw ng mundo o mga bahagi nitó, at nagtatanghal ng mga katangiang pisikal, pook, lungsod, at iba pa : MAP
má·pa-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng kakayahang magawâ ang aksiyong ipinahihiwatig ng salitâng-ugat, hal mápaalis, mapabilí
2:
pambuo ng pandiwa, may kasámang -pag-, nagsasaad na maaaring maganap ang isang bagay, hal mápapag-áral, mápapagbasá
3:
pambuo ng pandiwang palayon, nagsasaad ng aksiyon na magagawâ o magaganap, hal mápagalíng, mápadulás Cf NÁPA-
ma·pág-
pnl
1:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng bagay na madalas gawin, hal mapág-alboróto, mapághimalâ
2:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng pagkakaroon ng hilig upang maganap ang anumang ninanais, hal, mapágmagalíng, mapágmápurî
3:
pambuo ng pandiwa, may hulaping -an, nagsasaad ng kakayahang magawâ ang isang aksiyon, hal mapág-arálan, mapág-ukúlan Cf NAPÁG-
ma·pág-a·ru·gâ
pnr |[ mapág+arugâ ]
:
mahusay o matiyagang mag-arugâ.
ma·pág·bi·gáy
pnr |[ mapág+bigáy ]
1:
ma·pág-im·bót
pnr |[ mapág+imbót ]
:
may katangian ng imbót.
ma·pág·ka·ka·ti·wa·lá·an
pnr |[ mapág +ka+ka+tiwalá+an ]
:
maaaring bigyan ng tiwalà : AWTÉNTIKÓ2,
RESPONSÁBLE2,
TAPÁT2,
TRUSTWORTHY
ma·pág·kun·wa·rî
pnr |[ mapág+ kunwarî ]
ma·pág·ma·ta·ás
pnr |[ mapág+ma+ taás ]
ma·pág·pa·hi·ní·rap
pnr |[ ST mapágpa+ h+in+írap ]
:
nangungutya ng lahat.
ma·pág·pa·tu·ma·pát
pnr |[ mapag+patumapat ]
ma·pág·pa·u·man·hín
pnr |[ mapág+ paumanhín ]
:
madalîng magbigay ng paumanhin sa nagawâng kasalanan ng iba : PASÉNSIYÓSA1
ma·pág·pu·mí·lit
pnr |[ mapág+p+um+ílit ]
:
nagpapatuloy sa ginagawâ sa kabilâ ng paghihirap at mga hadlang : PERSISTENT2
ma·pág·sa·man·ta·lá
pnr |[ ma+pag+samantala ]
má·pa·la·gáy
pnd |[ mápa+lagáy ]
:
matahimik o mawalan ng balísa.
ma·pám-
pnl
:
aanyo ng mapáng- kapag sinusundan ng salitâng-ugat na nagsisimula sa bat p, hal mapambuska, mapampatid, mapamintas, mapamuri.
ma·pa·ma·ra·án
pnr |[ ma+pa+raan ]
1:
maraming alam na paraan, lalo na para malutas ang isang problema : RESOURCEFUL
2:
ginawâ sang-ayon sa isang sistema o paraan : ÉSTRATÉHIKÓ4,
METHODICAL,
METÓDIKÓ,
SISTEMÁTIKÓ,
SYSTEMATIC
ma·pán-
pnl
:
anyo ng mapáng- kapag sinusundan ng salitâng-ugat na nagsisimula sa d, l, r, s, at t, hal mapánlustáy, mapanulsól.
ma·páng-
pnl
ma·pa·ngá·nib
pnr |[ ma+panganib ]
ma·páng·hi·mag·sík
pnr |[ mapáng+ himagsík ]
:
may katangian ng isang rebélde.
ma·páng·hi·má·sok
pnr |[ mapáng+hing+pások ]
:
mahilig makialam lalo na sa mga maselang usapin : PANGAHÁS2
ma·pán·lin·láng
pnr |[ mapáng+lin-láng ]
1:
mahilig manlinlang
2:
may malakas na layuning manlinlang.
ma·pá·pag-
pnl
:
pambuo ng pandiwa upang ipahayag ang katuparan ng isang balak o layunin, hal mapapag-aral, mapapagluto Cf NAPÁPAG-
má·pa·sa-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng patutunguhan ng isang bagay, hal mapasaakin, mapa-saiyo, mapasakaniya, mapasalangit Cf NÁPASA-
ma·pat·pát
png |[ ma+patpat ]
:
matangkad at payat na lalaki.
ma·pá·yit
png |Bot |[ Iva ]
:
uri ng saging na may mapintog na bunga at may kaunting asim ang lasa.