maryakapra


mar·yá·káp·ra

png |Zoo |[ Esp mariacapra ]
:
katamtaman ang lakíng ibon (Rhipidura javanica ), mahabà at tíla abaniko ang buntot, itim ang pang-ibabaw na katawan pati ang buntot na may putî ang mga dulo maliban sa panggitnang balahibo, may guhit na putî sa ibabaw ng matá at guhit na itim sa leeg, at maputî ang tiyan, kapansinpansin dahil maingay ang huni, malikot at palipatlipat ng sanga hábang palagiang ipinapaypay ang buntot : BILÁD-BILÁD, PANDANGGÉRA2, PIED FANTAIL