may


may

pnb |[ Bik Hil Seb Tag War ]
:
mayroón var me, mey

may-

pnl
1:
unlapi upang bumuo ng pang-uri na nangangahulugang naghahari, nagdurusa, at katulad, hal may-asawa, maysugat, maybúhay
2:
unlapi para bumuo ng pangngalan sa pamamagitan ng pag-aalis sa gitling, hal maybahay, maysakít, maysála.

May (mey)

png |[ Ing ]

má·ya

png
1:
Zoo [Akl Hil Seb Tag War] uri ng maliit na ibon (family Ploceidae ), karaniwang kayumanggi at abuhin ang balahibo, at hugis imbudo ang tukâ : BÍLLIT1, DÉNAS, KENTÎ, LÍGNOS, SPARROW
2:
sa Hinduismo, mahika o kapangyarihang ginagamit ng mga diyos at demonyo.

Má·ya

png |Ant Lgw |[ Esp ]
1:
kasapi ng pangkating etniko ng Yucatán at Gitnang America
2:
ang wika nitó.

ma·yá·bang

pnr |[ ma+yabang ]

ma·yád

pnr |[ Kry ]

má·yag

pnd |[ ST ]
:
tinipil na pumáyag.

ma·ya·gú·no

png |Zoo |[ Seb ]

ma·ya·hín

png |[ ST maya+hin ]
1:
Zoo manok na may kulay na pulá ng máya ang balahibo
2:
lalaking napakaliit.

may-ak·dâ

pnr
2:
Lit pinagmulan ng isang likhâ o malikhaing gawà : AUTHOR, AWTÓR, MANLILIKHÂ1
3:
may panukala o nagpanukala : AUTHOR, AWTÓR

ma·yá·man

pnr |[ ma+yaman ]

ma·yâ-ma·yâ

pnb |pa·ma·yâ-ma·yâ
:
pagkatapos ng ilang sandalî ; sa loob ng ilang sandalî.

má·ya-má·ya

png
1:
Zoo isdang-alat (family Lutjanidae genus Lutjanus ), karaniwang pulá ang kulay ng katawan bagaman mar uring may guhit na asul o dilaw, at karaniwang may kaliskis sa pisngi : ÁDMON, AGBÁON, ALSÍS, BADLÍSAN, BAMBÁNGON, DALANDÁNG, DÁPAK, LABÓNGAN, LANGÍSI, MATÁNGAL, MANÁGAT, MAYAGÚNO, SAÍYA, SIDINÉAN, SNAPPER Cf PARGÍTO
2:
[Pan] ambón.

má·yam·bá·go

png |Bot |[ Bik ]

ma·yám-is

png |[ Hil ]
:
pagkain na bahagyang matamis.

ma·ya·mô

pnr |[ ST ]

ma·yá·na

png |Bot |[ Bik Ilk Tag ]
:
malambot na yerba (Coleus Blumei ), na may tangkay na apat ang anggulo, at may dahong hugis puso at iba-iba ang kulay, katutubò sa Filipinas at karatig pook hanggang India : DAPURÁYA, MALAÍNA

ma·yáng

png
1:
Bot [ST] tangkay ng mga bunga ng niyog

má·yang

png |Zoo |[ Pan maya+ng ]

ma·yá·ngan

png |Bot |[ maya+ngan ]
:
matigas na bahagi ng tangkay ng niyog.

má·yang-bá·hay

png |Zoo |[ maya+na-bahay ]
:
pinakakaraniwang nakikíta sa paligid na uri ng maya (Passer montanus ), kulay kastanyas ang ibabaw ng ulo, may putîng pisngi, itim na lalamunan, at abuhing kayumangging balahibo sa ibang bahagi ng katawan, at nagpupugad sa mga singit ng bubong at ibang bahagi ng mga bahay at gusali.

má·yang-ba·tó

png |Zoo |[ maya+ng-bato ]
:
malaking uri ng máya.

má·yang-dam·pól

png |Zoo |[ maya+na-dampol ]

má·yang-ka·wá·yan

png |Zoo |[ maya +na-kawayan ]
:
máya (Erythrura hyperythra ) na mas makapal ang tuka, madilim na lungtian ang pang-itaas na bahagi at kalawanging dalandan ang pang-ibabâng bahagi ng katawan : PARROTFINCH

má·yang-kos·ta

png |Zoo |[ maya+na-kosta ]
:
ibong Java (Padda oryzivora ) at pinakamaganda sa uri ng máya, may magkahalong itim, putî at rosas ang balahibo, at pink ang tukâ : JAVA SPARROW

má·yang-pa·kíng

png |Zoo |[ maya+na-paking ]
:
uri ng maya (Lonchura punctulata ), kayumanggi ang pang-itaas na bahagi at parang kaliskis na putî ang pang-ibabâng bahagi ng katawan, at hindi kaagad lumilipad kahit lapitan ng tao.

má·yang-pu·lá

png |Zoo |[ maya+na-pulá ]
:
uri ng máya (Lonchura malac-ca ) na dáting kinikilálang pambansang ibon ng Filipinas dahil makikíta ang malalaking pangkat sa bukirin at parang, karaniwang matingkad na kastanyas ang kulay ng balahibo sa katawan mula sa dibdib at itim ang ulo hanggang lalamunan : CHESTNUT MUNIA, MÁYANG-DAMPÓL

má·yap

pnr |[ Kap ]

ma·ya·pá

pnr |[ ST ]
:
walang lasa sa bibig, minsan nagmula ang kawalang lasa mula sa pagkain din, o minsan naman sa kawalang panlasa ng maysakit.

ma·yá·pis

png |Bot

ma·yá·pis

pnr |[ Pan War ]

may-á·ri

png
:
tao na may hawak ng buong karapatan sa anuman : ÓWNER Cf PROPYETÁRYO2

ma·yat·báng

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng halámang-ugat na kinakain.

ma·yâ’t ma·yâ

pnb |[ ST maya+at+ maya ]
:
paulit-ulit o inuulit sa loob ng maiikling panahon.

má·yaw

png |[ Mag ]

má·yaw

pnr |[ ST ]
1:
nagkakasundo o may armonya ang mga tinig
2:
karaniwang nása anyong negatibo, gaya sa “di-magkamayaw,” magulo ang mga tinig, walang pagkakaayos, at armonya.

may·bá·hay

png |[ may+bahay ]
:
asawang babae : HOUSEWIFE, WIFE

may·bo·ngó

png |Zoo |[ ST ]
:
malakíng kanduli.

máy·dak

pnr |[ Iva ]

mayday (méy·dey)

png |[ Ing ]
:
pandaigdigang senyas ng paghingi ng saklolo sa radyo at ginagamit ng mga sasakyang-dagat at panghimpapawid na nása peligro.

May Day (méy dey)

png |[ Ing ]
1:
karaniwang unang araw ng Mayo, tradisyonal na araw kapag tagsibol na iniuugnay sa mga ritwal ng pananagana
2:
araw ng paggawâ.

mayflower (mey·flá·wer)

png |Bot |[ Ing ]
:
kung Mayo, palumpong o punongkahoy (genus arbutus ) na namumulaklak.

mayfly (méy·flay)

png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng kulisap (order Ephemeroptera ).

may·ga·wâ

png |[ may+gawa ]
2:
may kasalanan, kung masamâ ang ginawâ.

may·hu·rá·ded

png |Ark |[ Iva ]
:
bahay na may mababàng dingding at gawâ sa bató.

Má·yi

png |Heg
:
varyant ng Má-i.

má·yik

png |[ ST ]
:
paggawâ ng isang bagay nang dahan-dahan.

má·yin

png |[ ST ]
:
paglalaho nang walang nakapansin.

mayk

png |Kol |[ Ing mike ]
:
baybay sa Filipino ng mike.

may·ka·pál

png |[ ST may+kapal ]

may·ka·páng·ya·rí·han

png |[ may+ka+pang+yari+han ]
1:
lakas o karapatang magpataw ng pagpapasunod : ÁWTORIDÁD1, KAGAMHÁNAN1, KAYUPAYÁN
2:
tao o pangkat ng mga tao na may kapangyarihang pampolitika o administratibo : ÁWTORIDÁD1, KAGAM-HÁNAN1, KAYUPAYÁN
3:
impluwensiyang nakapaloob sa isang opinyon dahil sa kinikilálang kaalaman o kahusayan ; ang impluwensiyang ito na nakasaad sa isang aklat, at katulad o tao na may opinyong kinikilála at tinatanggap dahil sa kahusayan sa isang larang : ÁWTORIDÁD1, KAGAMHÁNAN1, KAYUPAYÁN

may·kat·hâ

png |Lit |[ may+katha ]
1:
[ST] ang umisip o sumulat ng aklat
2:
ang sumulat ng katha.

may·ká·ya

pnr |[ may+káya ]
1:
nag-aangkin ng angkop na kakayahan

may·la·láy·ra

png |[ Iva ]

may·máy

pnr |[ ST ]
2:
bahagyang bulok, luma, o sirâ.

may·motá

png |Bot |[ ST ]
:
palay na namumukadkad.

May·ni·là

png |Heg
1:
lungsod sa National Capital Region : MANÍLA
2:
kapitolyo at pangunahing daungan ng Filipinas : MANÍLA

Má·yo

png |[ Esp ]
:
ikalimang buwan ng taon : MAY

ma·yó·hon

png |Zoo
:
uri ng lumba-lumba (Lagenodelphis hosei ) na may maliit at matabâng palikpik, guhitan ang gilid ng katawan, at humahabà nang hanggang 98 sm.

ma·yók·mok

png |Zoo |[ Seb ]

Ma·yón

png |Heg
:
bulkan sa Bicol at kilála sa pagkakaroon ng anyo na perpektong balisungsong.

ma·yo·né·sa

png |[ Esp ]
:
kremang gawâ sa putî ng itlog, langis, sukà, at iba pa : MAYONNAISE

may-óng

png |[ Hil ]

ma·yóng·tong

png |Bot |[ Seb ]
:
uri ng palumpong (Glycomis pentaphylla ).

mayonnaise (mé·yo·néys)

png |[ Fre ]

mayor (mé·yor)

png |Pol |[ Ing ]
:
pinunò ng isang bayan o lungsod : ALKÁLDE1, MÉYOR

ma·yór

pnr |[ Esp ]
1:
nakatatanda o nakahihigit sa gulang : MÉDYOR4
2:
nakatataas o nakahihigit sa taas : MÉDYOR4

ma·yór de-e·dád

png |[ Esp mejor de edad ]
:
kalagayang nása wastong gulang ang isang tao upang makapagsarili Cf MENÓR DE EDÁD

ma·yor·dó·mo

png |[ Esp ]
1:
punòng opisyal ng isang hari : MAJOR-DOME
2:
punòng tagapangalaga ng isang tahanang mariwasâ o ng isang palasyo : MAJOR-DOME Cf MAITRE D’ HÔTEL

ma·yor·yá

png |[ Esp mayoria ]
1:
ang nakararami ; ang higit na marami : KARAMÍHAN2, MAJORITY
2:
ang bílang o dami ng ibinigay na boto para sa isang partido o kandidato na nagpapakíta ng kalamangan sa kalaban ; o partido na nakatanggap ng higit na maraming boto : KARAMÍHAN2, MAJORITY

ma·yo·yós

png |Bot |[ Seb ]

may·pa·ka·nâ

png |[ may+pakana ]
:
tao na gumagawâ ng pakanâ.

may·ro·ón

pnr |[ may+doon ]

may·ro·ón

pnb pnt |[ may+doon ]
:
nagsasaad ng isang taglay na katangian, pag-aari, pag-iral, o kalagayan hal mayroong nálaláman : ADÚNA, MAY, WALÂ, WITH2 var méron

máy·sa

pnr |Mat |[ Ilk ]

may·sa·kít

png |[ may+sakít ]
2:
tao na may karamdaman
3:

may·sá·la

pnr |[ may+sála ]
1:
nagkamali o gumawâ ng isang kasalanan : GUILTY
2:
Bat hinatulan dahil sa isang tiyak na kasalanan : GUILTY Cf KRIMINÁL

may·tí·nes

png |[ Esp maitines ]
:
gawain na panghatingggabi o bago sumikat ang araw.

May·tí·nis

png |Lit Tro |[ Esp maitines ]

may·tú·ab

png |Ark |[ Iva ]
:
bahay na may apat na gilid na hugis kandila.

ma·yúk·mok

png
:
kakaníng may sangkap na pinipig at kinudkod na lamán ng niyog at asukal var yamúkmok

ma·yúk·mok

pnr |[ ST ]
1:
nakayuko ang ulo hábang naghihintay
2:
tamad at pabayâ, iniiwan ang ipinagkatiwala sa kaniya upang maglaro o dumaldal.

ma·yú·mo

pnr |[ Kap ]

ma·yúng·tung

png |Bot |[ Seb ]
:
uri ng palumpong (Glycosmis pentaphylla ).

ma·yus·ku·lá

png pnr |Gra |[ Esp ma-yuscula ]
:
malaking titik Cf MENÚSKULÁ

ma·yút·mot

png |[ Pan ]