menor


me·nór

pnr
1:
higit na maliit o mababà ang sukat o halaga kapag ikinompara sa iba, hal basilica menor : MINOR, PETTY3
2:
wala pa sa legal na gulang : MINOR Cf MENÓR DE EDÁD
3:
Mus sa eskala, nagkakaroon ng paghinto ng semitone sa pagitan ng ikalawa at ikatatlo, ikalima at ikaa-nim, ikapitó at ikawalong antas : MINOR
4:
mabagal na takbo ng sasakyan o mahinàng andar ng motor.

me·nór

pnr |[ Esp ]
2:
mabagal, marahan kung sa sasakyan — pnd i·me·nór, mag·me·nór, pag· me·no·rán.

me·nó·ra

png |[ Heb ]
:
sagradong kandelabra na may pitóng sanga na ginamit sa Templo ng Jerusalem, gawâ ni Bezalel at inilagay sa santuwaryo ng Tabernakulo.

me·nór de-edád

png |[ Esp ]
:
kalagayang wala pa sa wastong gulang ang isang tao upang makapagsarili : ÍNFANT2 Cf MAYÓR DE EDÁD

menorrhagia (me·no·ré·dya)

png |Med |[ Ing ]
:
hindi normal na pagdurugo kung may regla.

menorrhea (me·no·rí·ya)

png |Med |[ Ing ]
:
ordinaryong agos ng dugo kung may regla Cf DISMENORÍYA