• mét•ro
    png | [ Esp ]
    1:
    batayang yunit ng habà sa sistemang metriko ng súkat, katumbas ng 100 sm o humigit-kumulang sa 39.37 pulgada
    2:
    kasangkapan sa pagsúkat ng habà, taás, at lakí ng materyáles
    3:
    sa tula, ang sukat at habà ng taludtod
    4:
    ang pulso at ritmo ng isang anyong pang-musika
  • Mét•ro
    png | [ Fre ]
    1:
    sistema ng sub-way sa lungsod o tren sa sistemang ito lalo na sa Paris
    2:
    pinaikling Metropolis
  • Mét•ro Ma•ní•la
    png | Heg
    :
    popular na tawag sa Pambansâng Punòng Rehiyón