mga


mga (ma·ngá)

pnb
:
makabagong anyo ng mangá ; ginagamit sa anumang dalawa o mahigit pang bagay Cf -S3, -ES, SOME

Mga Awit

png |Lit |[ mangá áwit ]
:
sa Bibliya, aklat na binubuo ng 150 awit, imno, at dasal : PSALMS

Mga Hari (ma·ngá ha·rì)

png |Lit
:
sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat na naglalamán ng kasaysayan ng mga hari ng Israel at Judah : KINGS

Mga Hukom (ma·ngá hu·kóm)

png |Lit
:
sa Bibliya, aklat na naglalaman ng kasaysayan ng Israel hábang nása ilalim ito ng pamumunò ng mga hukom : JUDGES

Mga Kronika (ma·ngá kro·ní·ka)

png |Lit |[ Tag mga +Esp cronica ]
:
sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat sa Lumang Tipan, at nagtatalâ ng kasaysayan ng Israel at Judah : CHRONICLES

mga-má·as

png |[ Tau ]

Mga Taga-Colosas (ma·ngá ta·gá-ko·ló·sas)

png |Lit
:
sa Bibliya, aklat na sinulat ni Pablo para sa mga taga-Colosas : COLOSSIANS

Mga Taga-Corinto (ma·ngá ta·gá-ko·rín·to)

png |Lit |[ Tag mga+Esp corinto ]
:
sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat sa Bagong Tipan, at sinulat ni Pablo para sa mga taga-Corinto : CORINTHIANS