mil
mi·la·gró·sa
png |Bot |[ Esp ]
:
uri ng palay na mamahálin dahil sa mabangong bigas.
mi·la·gró·sa
pnr |[ Esp ]
:
maraming nagagawâng himala, kung sa santa, mi·la·gró·so kung sa santo.
mi·lá·no
png |Zoo |[ Esp ]
mí·lay·lay
pnd |ma·mi·lay·láy, mi· lay·la·yán, pa·mí·lay·la·yán
:
lumitaw nang banayad, gaya ng paglitaw ng ngiti sa labì Cf MUTAWÌ
mild (mayld)
pnr |[ Ing ]
1:
sa tao, mabait, maalalahanin
2:
Bat
magaang na parusa
3:
Med
sa karamdaman, hindi malubha, hindi mabigat
4:
sa panahon, katamtaman
5:
sa pagkain, hindi matapang ang lasa o katamtaman ang alat, tamis, at iba pang lasa
6:
kung sa sabon, salitâ, at kilos, banayad ang bisà.
mildew (míl·dyu)
png |Bot |[ Ing ]
1:
sakít ng haláman, karaniwang mapapansin sa pamumuti ng rabaw ng apektadong bahagi at dulot ng mapaniràng funggus
mi·lég·was
png |Bot |[ Esp milleguas ]
:
baging (Telosma cordata ) na makinis ang punò, malapad ang dahon, mabango at balahibuhin ang dilaw o dilawing lungting bulaklak, katutubò sa India at China at ipinasok sa Filipinas sa bungad ng ika-20 siglo : MINÍGWAS
mi·le·nár·yo
pnr |[ Esp milenario ]
:
kaugnay o nauukol sa milenyo.
mi·lén·yo
png |[ Esp milenio ]
1:
sanlibong taon : MILÉNYUM,
MILLENNIUM
2:
ang buong isang libong taon na, ayon sa paniniwala, dáratíng ang Kristo sa katapusan ng mundo : MI-LÉNYUM,
MILLENNIUM
miles per galon (mayls per gá·lon)
png |Mat |[ Ing ]
:
konsumo ng isang galong gasolina sa mga tinakbong milya ng sasakyan Cf : MPG
milestone (máyls·town)
png |[ Ing ]
1:
bato na inilagay sa gilid ng daan bílang marka ng isang milya Cf KILOMETRÁHE1,
MOHÓN
2:
pangyayari o yugto sa búhay, kasaysayan o proyekto na makahulugan.
mil·fló·res
png |Bot |[ Esp mil-flores ]
:
palumpong (Hydrangea macrophylla ) na may malalakí, kumpol ang bughaw, pink, o puláng bulaklak, at nabubúhay sa malalamig na pook.
milfoil (míl·foyl)
png |Bot |[ Ing ]
:
tuwid na yerba (Achillea millifolium ), 60 sm ang taas, putî ang bulaklak, katutubò sa Europa at itinatanim ngayon sa Cordillera.
mí·li
pnt |[ Bik ]
:
dáhil ; sapagkát.
miliámpere (mi·li·ám·pir)
png |Mat |[ Ing ]
:
isa sa sanlibong bahagi ng ampere.
mi·lís·ya
png |Mil |[ Esp milicia ]
1:
sibilyan na itinalaga sa serbisyong militar : MILITIA
2:
agham ng pakiki-digma : MILITIA
3:
kalalákihan na maaaring italaga ng batas na magsundalo : MILITIA
mi·lis·yá·no
png |Mil |[ Esp miliciano ]
:
kawal na nakatalaga sa milisya.
mi·lít
png |Bot |[ ST ]
:
punongkahoy na hitik sa bunga.
mí·li·tánt
png |[ Ing ]
1:
tao na kasáma o tumatangkilik sa mga gawain at isyung pampolitika
2:
tao na kasáma sa digma.
mi·li·tá·ri·sas·yón
png |[ Esp ]
:
paghawak ng militar sa kapangyarihang sibil.
mi·li·ta·rís·mo
png |Mil |[ Esp ]
1:
ang kinikilingan ng isang sandatahang propesyonal : MILITARISM
2:
pangingibabaw ng mga prinsipyo, batas, o patakaran ng militar : MILITARISM
mi·lí·ta·ris·tá
png |Mil |[ Esp ]
1:
tao na napangingibabawan ng mga ideang militar
2:
mag-aaral ng agham militar.
military ceremony (mi·li·tá·ri se·ré· mo·ní)
png |Mil |[ Ing ]
:
pagkilos ng isa o maraming pangkat mula sa isang kinatatayuan tungo sa iba ayon sa utos ng pinunò.
military courtesy (mi·li·tá·ri kór·te· sí)
png |Mil |[ Ing ]
:
ang tinatanggap na asal sa serbisyong militar.
milk of magnesia (milk of mag·nis· ya)
png |Med |[ Ing ]
:
tawag sa malagatas na anyo ng Magnesium hydroxide kapag hinalo sa tubig.
mill
png |[ Ing ]
1:
gusali na may aparatong ginagamit sa pagkikiskis ng mais, palay, at katulad
2:
ang aparatong ito.
millet (mí·lit)
png |Bot |[ Ing ]
1:
halámang butil (Setaria italica ) na nakakain
2:
ang butil nitó Cf DAWÀ1
milli- (mí·li)
pnl |Mat |[ Ing ]
:
nagsasaad ng salik na sanlibo.
million instructions per second (míl· yon ins·trák·syon per sé·kond)
png |Com |[ Ing ]
:
yunit sa bilis ng kal-kulasyon na katumbas ng milyong instruksiyon bawat Segundo Cf MIPS
millisecond (mí·li·sé·kond)
png |Mat |[ Ing ]
:
isa sa sanlibong bahagi ng minuto.
mi·lók
pnr |[ ST ]
:
pumurol ang talim.
mi·lón
png |Bot |[ Esp melon ]
1:
2:
uri ng milon (family Cucurbitaceae ) na lungti ang balát, hugis úpo, at maputla ang lamán : MURÓD
mi·lón-de-a·lám·bre
png |Bot |[ Esp melon ]
:
uri ng milon (family Cucur-bitaceae ) na bilóg ang bunga, kulay maputlang dalandan ang balát na makapal at magaspang : MILÓNG TAGÁLOG
mi·lóng-da·gâ
png |Bot |[ ST Esp melon+ na+daga ]
:
uri ng halaman.
mi·lóng-u·wák
png |Bot |[ ST Esp melon+na+uwak ]
:
uri ng halaman.
míl·ya
png |Mat |[ Esp milla ]
1:
yunit ng sukat na pahabâ sa 1,760 yarda : MILE
2:
sukat na Romano ng 1,000 bilis : MILE
3:
karera na umaabot nang isang milya : MILE
mil·yá·he
png |[ Esp millaje ]
:
bílang ng milya na nalakbay o naabot ng isang sasakyan sa bawat yunit ng gatong : MILEAGE
mil·yo·nár·yo
png |[ Esp millonario ]
:
laláki na may yamang nagkakahalaga ng isang milyong piso o higit pa, mil·yo·nár·ya kung babae : MILLIONAIRE