• nang
    pnt
    1:
    tumutukoy sa nakalipas na aksiyon hal “Nag-uusap kami nang tumunog ang telepono”
    2:
    may kahulugang “upang”; karaniwang may at sa unahán hal “Mag-aral ka at nang mátuto”
  • nang
    pnk
    :
    makikíta sa pagitan ng pan-diwa o mala-pandiwang nagpapahayag ng matindi at patúloy na aksiyon hal Sigaw nang sigaw
  • nang
    pnb pnk
    :
    pinagsámang na bílang pang-abay at na bílang pang-angkop, hal Ayoko nang kumain
  • nang
    pnb
    :
    katagang sinusundan ng pang-uri at naglalarawan sa pandiwa, hal tumakbo nang mabilis, kumain nang marami
  • nang-
    pnl
    1:
    pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng mang- na makikíta sa unahán ng pandiwang nagsisi-mula sa K, G, H, M, N, Ng, W, at Y, hal nang-akit, nanguha, nanggulo, nangwasto, nangyari
    2:
    pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng mang- na inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal nang-aakit, na-ngunguha, nanggúguló, nangwáwas-tô, nangyayari
    3:
    pambuo ng pandi-wang pangnagdaan at nagiging M ang -ng kung ang sinusundang ugat ay nagtatapos sa B o P, kadalasang nawawala ang B o P sa nabuong salita, hal namadyá, namalò
    4:
    a nagpapahayag ng panahunang pangnagdaan; nagiging N ang -ng kung ang sinusundang salitâng-ugat ay nagsisimula sa D,L,R,S,T kadalasang nawawala ang S o T, hal nandayà, nanlustáy b sa pagpapahayag ng pangkasalukuyan, inuulit ang pangalawang pantig ng impinitibo, hal nandadayà, nanlúlustáy