alinman sa mga nerve mula sa utak na nagdadaan sa pa-mamagitan ng mga bútas ng bungo patúngo sa ibang bahagi ng ulo at binubuo ng labindalawang pares sa mga mammal, ibon, at reptil
agave (Agave americana, family Agavaceae) na walang tangkay at may mahabàng matinik na mga dahon, namumulaklak pagkaraan ng maraming taon at sakâ namamatay
maliit na palumpong (Acay-pha hispida) na 2 m ang taas, may malapad at mabalahibong dahon, at bulaklak na tíla buntot ng pusa at 40 sm ang habà, katutubo sa India at pinatutubò bílang halá-mang ornamental sa Filipinas
nakapumpong haláman (Cyperus alternafolius) na 1.5 m ang taas, may silindrikong tangkay na pinagmumulan ng tíla rayos at nakalaylay na mga dahon, katutubò sa Madagascar at itinatanim bílang halámang ornamental sa Filipinas